ano ang itinuturing ng mga europeo sa kanilang kultura
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
The arts, architecture, film, music of many genres, economics, literature, and philosophy are the foundation of European culture. The "shared cultural heritage" of Europe serves as the foundation for most of European culture.
Answer:
Ang kultura ng Europa ay mailalarawan bilang isang serye ng magkakapatong na mga kultura. Ang pagkakahalu-halo ng mga kalinangan ay umiiral sa kahabaan at kapaligiran ng kontinente. Mayroong mga inobasyon at mga kilusan, na paminsan-minsan ay hindi katugma ng isa, katulad ng proselitismong Kristiyano o Humanismo. Kung kaya't masalimuot at mahirap ang pagkakaroon ng matatawag na "pangkaraniwang kultura" o "karaniwang kalinangan" sa Europa, ngunit ang pundasyon ng kulturang Europeo ay inilapat ng sinaunang mga Griyego, na pinatibay ng kultura ng sinaunang mga Romano, na pinatatag ng Kristiyanismo, na nireporma o nilagyan ng mga pagbabago ng panahon ng Renasimyento at Repormasyong Protestante noong ika-15 daantaon, na ginawang moderno o makabago ng Panahon ng Pagpapaliwanag noong ika-18 daantaon, at pinakalat sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon sa pamamagitan ng magkakasunud-sunod na mga imperyong Europeo sa pagitan ng ika-16 at ika-20 mga daantaon. Kung kaya't ang kultura ng mga Europeo ay umunlad upang maging isang napaka masalimuot na kababalaghan ng mas malawak na kasakupan ng pilosopiya, ng humanismong Kristiyano at sekular, ng rasyonal o makatwirang paraan ng pamumuhay at lohikal na pag-iisip na umunlad sa loob ng mahabang panahon ng pagbabago at pormasyon dahil sa mga eksperimentong naisagawa noong Panahon ng Pagkamulat, naturalismo, romantisismo, agham, demokrasya, at sosyalismo. Dahil sa ugnayang global ng Europa, ang kultura ng Europa ay lumago at lumaki na may panlahatang pagsasama ng udyok na umampon, umangkin, makibagay, at lalo na ang makaimpluwensiya sa ibang mga gawi ng kultura. Sa katunayan, at kung gayon, ang kulturang Europeo at pamamaraan ng pamumuhay, bagaman hanggang sa isang malaking kaantasan lamang, ay naging isa sa mga "kulturang pangglobo" o "kalinangang pandaigdig", dahil sa paglawig ng edukasyon sa Europa magmula noong ika-19 daantaon at dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo.