ano ang iyong maiimungkahi tungkol sa ating wika
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bilang isang mag-aaral na patuloy inaaral at hinahasa ang aking kaalaman sa wikang Filipino ay mapapanatili ko na buhay ang wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na paggamit nito. Bilang ako ay isang estudyante ay maraming mga aktibidad na maaring salihan kapag buwan ng wika. Mayroong mga pagsulat at pagbigkas na kung saan wikang Filipino ang gamit, sa pag sali dito ay maiipakita ko ang aking pagpapahalaga sa wikang Filipino. Gagamitin ko ang wikang Filipino hindi lamang sa pakikipagtalastasan kundi ay sa ibat-ibang pamamaraan katulad ng social media at networking sites. Sa paggamit ng wikang Filipino sa social media ay hindi lang natin maiipagmalaki ang wikang Filipino, kundi ay maaari din tayong makapagbigay kamalayan sa paksa ng pagpapahalaga sa sariling wika. Sa lawak ng sakop ng social media ay marami tayong taong mahihikayat upang mabigyang kahalagahan ang sariling wika. Kailangan nating ipaalala ang kahalagahan ng wika sapagkat ito ay sariling atin. Ito ang nag sisimbolo at nag-iiba sa atin sa mga tao sa ibang bansa. Kahit tayo ay mga bata pa maari tayong makatulong sa pagtuturo ng wikang Filipino. Maari tayong maging gabay sa susunod na henerasyon o kaya sa mga mas bata pa saatin. Sa pagtuturo natin ay mapapalalim natin ang pag-unawa nila sa wikang pambansa, ang wikang Filipino.
Alam nating lahat na wala nang iba pang mag papahalaga at tatangkilik sa ating sariling wika kung hindi tayo ding mga Pilipino. Hindi pa huli ang lahat kung ngayon ay hindi natin nabibigyang kahalagahan at pansin ang wikang Filipino ay maari pa nating baguhin ang ating ating pananaw at pagtrato rito. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng sama-sama nating pagsisikap ay mabibigyang hustiya natin ang ating wika at ang mga taong lumaban para dito.
Explanation:
#HOPEITHELPS