ano ang iyong masasabi tungkol sa mga sanhi ng pangyayari at epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig 2-3 pangungusap
need ngayon
Share
ano ang iyong masasabi tungkol sa mga sanhi ng pangyayari at epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig 2-3 pangungusap
need ngayon
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang puno't dulo ng Digmaang Pandaigdig Dos ay mula sa kasakiman ng mga pambansang lider at sa maling nilang kaisipan na mas nakatataas ang kanilang lahi kaysa sa iba.
Ang epekto ng digmaang ito ay hindi lamang naramdaman sa Europa kundi ito ay nagdulot ng matinding paghihirap pati sa Amerika at mga bansa sa Asya. May mga bansa at teritoryo na nabuwag at may mga lahing nalipol dahil sa holocaust. Magpa-hanggang ngayon, may mga bansang mabagal ang pag-unlad o ngayon pa lamang nakababawi mula sa paghihirap na dulot ng digmaan.
Dahil ang Germany o Alemanya ay nagbabayad-pinsala pa rin sa kasiraan na dulot nila sa ibang mga bansa dahil sa Unang Digmaang daigdig, ito ay nagbunsod sa kagustuhan ng bansa na magkaroon ng mas marami pang pera at teritoryo. Nahihirapan na ang Germany sa ekonomiya at ang tanging solusyon na nakita lamang nila ay ang paglusob at pagkontrol sa yaman ng mga karatig nitong bansa.
Ito ay lalong pinatindi rin ng kilusang Nazism kung saan nangingibabaw ang kaisipan na may iisang espesyal na lahi lamang at na sila lamang ang may karapatan na maghari sa iba. Hindi kailanman tama o maktuwiran ang pagsisimula ng digmaan o pagkubkob sa ibang mga bansa para sa makasariling mga dahilan. Anuman ang lahi, katayuan sa buhay, kasarian, o relihiyon ng isang tao, lahat tayo ay pantay-pantay at may karapatan na mamuhay ng malaya at may kapayapaan.
Pwede mong tignan ang sagot ko tungkol sa tatlong sanhi ng World War II dito: https://brainly.ph/question/30998375