ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa mag-aaral, kasapi ng pamilya, at kasapi ng lipunan? paano ito magagagamit sa pangaraw-araw?
Home
/
ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa mag-aaral, kasapi ng pamilya, at kasapi ng lipunan? paano ito magagagamit sa pangaraw-araw?
Answer:
Mahalaga ang papel ng ekonomiks sa aking araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at bahagi ng pamilya at lipunan dahil dito nakatuon ang mga bagay na tinatamasa ko.Dahil sa ekonomiks ay nagkakaroon ng trabaho ang aking mga magulang. Kung mayroon silang kabuhayan ay magkakaroon din kami ng mga bagay na nais namin at kailangan namin.
Bilang mag-aaral naman, dahil sa ekonomiks ay napapatakbo nang maayos ng pamahalaan ang sistema ng edukasyon sa bansa na nagiging dahilan ng aking pagkatuto.
At bilang bahagi ng lipunan, natatamasa namin ng aking mga kalaro ang iba’t ibang serbisyo tulad ng parke, maayos na daan, at iba pang serbisyo.
Nakakatulong ang ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay dahil tumutulong ito upang tayo ay magdesisyon sa mga bagay na nais nating gawin.
Simula pag-gising sa umaga hanggang pagtulog sa gabi ay bahagi na ng buhay natin ang ekonomiks. Ito ang nagpapatakbo sa pandaigdigang kalakaran, at ito din ang nagdidikta sa mga presyo ng bilihin. Narito ang ilang mga gawain sa araw-araw na saklaw ng usaping ekonomiks:
Klase ng shampoo at sabon na gagamitin
Uri ng transportasyon na sasakyan papunta sa eskwelahan o trabaho (jeep, tren, bus, o Grab)
Lugar na kakainan (restaurant, fast food o carinderia)
Saang kumpanya mag-iinvest ng pera
Saang lugar pipiliing magkabasyon (Boracay, Palawan, o ibang bansa)