Ano ang kahalagahan ng Writ of Habeas Corpus ?
Share
Ano ang kahalagahan ng Writ of Habeas Corpus ?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Ang habeas corpus[1] [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan"[2] o "nasa iyo ang katawan"[3] ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.[3]
Nagmula ito sa maagang batas na Ingles upang maiwasan ang hindi makabatas na pagpapakulong. Itinuturing itong isang haligi ng kalayaang sibil. Ayon sa Konstitusyon ng Estados Unidos, hindi ito matatanggihan maliban na lamang sa mga kaso ng rebelyon o panghihimagsik, ng paglusob, at kung nanganganib ang kaligtasan o seguridad ng publiko.[3