ano ang kahulugan ng ekonomiks? mag bigay ng limang halimbawa
Share
ano ang kahulugan ng ekonomiks? mag bigay ng limang halimbawa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ayon kay Paul Samuelson
"Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap"
_____________________________
Ayon kay Paul Wonnacott
Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.
_____________________________
Ayon kay Roger Le Roy Miller
Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.
______________________________
Ayon kay Lloyd Reynolds
Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.
_______________________
Ayon kay Gerardo Sicat
Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.
Answer:
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.Ang ekonomiks rin ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba't ibangt pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Matututuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan
Explanation:
Halimbawa:
1. Kilos at gawin ng konsyumer at prodyuser
2. Demand at Suplay
3. Pamilihan
4. Presyo
5. Negosyo