Ano ang kahulugan ng mahirap?
Share
Ano ang kahulugan ng mahirap?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Kasingkahulugan ng Mahirap
•maralita
•kapus-palad
•walang pera
•salat sa yaman
Kahulugan ng Mahirap
Ang mahirap ay isang estado ng buhay na walang kakayanang mabili ang mga pangangailangan, hindi sapat, kulang o gipit ang pera o kita upang maipantustos at mabili ang mga kailangan. Ito ay tumutukoy rin sa kalagayan o katauyuan ng isang tao na walang isang halaga o pag-aaring materyal at mga salapi.
Ang Kahirapan ay isang matinding problemang kinakaharap ng ating bansa. Sabihin man nating nakakasabay tayo sa pag-unlad pag dating sa teknolohiya, di natin maikakaila na maraming pamilya ang nagugutom at naghihirap sa ating bansa at marahil ito sa kanilang iba’t ibang kadahilanan.
Mga Paraan upang Maiwasan ang Kahirapan sa Bansa
•Maghanap ng trabaho o mapagkakakitaan.
•Huwag iasa ang lahat sa gobyerno, kumilos ka dahil walang ibang magtataguyod sa'yo kung hindi ang sarili mo.
•Mag-aral ng mabuti upang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng maayos at magandang oportunidad sa hinaharap.
•Huwag gumastos ng gumastos, bilhin lamang ay mga pangunahing pangangailangan.
•Magtipid ng pera at mag-ipon.
•Magsikap at maging matiyagang maghanap ng maayos na trabaho na may magandang kita o sweldo.
•Wag isisi lahat sa gobyerno, bagkus ay makiisa at makipagtulungan para sa pag-unlad ng bansa.