ano ang kahulugan ng pang-halip at bigyan ito ng halimbawa.
Home
/
ano ang kahulugan ng pang-halip at bigyan ito ng halimbawa.
ano ang kahulugan ng pang-halip at bigyan ito ng halimbawa.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit". Isa rin ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang
5. Panghalip na Pamanggit
Halimbawa: na, -ng
MGA HALIMBAWA NG PANGHALIP SA PANGUNGUSAP
1. Ako ay Pilipino.
2. Saan ka pupunta?
3. Akin ang saranggolang ito.
4. Ang iyong damit ay bago.
5. Sa kanya ang payong na ‘to.
6. Ilan ang itlog sa basket?
7. Iyon ang nawawalang aso ni Ramil.
8. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?
9. Lumapit ka dito.
10. Ligtas diyan ang alaga mong ibon.
Ang panghalip ay ang salitang pamalit o panghalili sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap. Ang pang halip ay isa rin sa mga Bahagi ng Pananalita.
Explanation:
Halimbawa :
Ako, Aking, Ito, Ikaw, Siya