ano ang kahulugan ng pormal at impormal at bigyan ito ng halimbawa.
Home
/
ano ang kahulugan ng pormal at impormal at bigyan ito ng halimbawa.
ano ang kahulugan ng pormal at impormal at bigyan ito ng halimbawa.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pormal - mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika. Gumagamit din ito ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan.
Halimbawa:
Pampanitikan o Panretorika - ginagamit ito ng mga malilikhaing manunulat. Malalim, makulay at masining ang mga salitang ginagamit upang ipahiwatig ang kaisipan.
Halimbawa ng Pampanitikan:
-Pagsuyo'y naglalaho (nawawalang pagmamahal)
-Haligi ng tahanan (ama)
Impormal - antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw at madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Lalawiganin - Gamitin ito ng mga tao sa tiyak na pook o lalawigan. Makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa ng Lalawiganin:
Aalis(Tagalog)
Pumanaw(Ilokano)
Molakaw(Cebuano)
Mahali(Bikolano)
Kolokyal - pang-araw-araw na salita. Maaaring may kagaspangan o maaaring pino ang paggamit ng tono ayon sa kung sino ang nagsasalita. May pagpapadali ng dalawa o higit pang letra ng salita.
Halimbawa ng Kolokyal:
Paano - Pano
Tara na - tena, tayna
Dead malice, dedma
Balbal - pinakamababang antas ng wika, kung minsan tinatawag ding salitang kalye. Nagkaroon ng sariling code on kahulugan ang mga nag-uusap. Kadalasan ay nauuso lamang at napapalitan pagsapit ng ilang taon.
Halimbawa ng Balbal:
Pulis - lespu
Gutom - tomguts
Security Gaurd - sikyo