ano ang kahulugan ng salitang "Alamat"?
Share
ano ang kahulugan ng salitang "Alamat"?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang Alamat ay Isang uri Ng kwentong pambayan at panitikan na nagsasalaysay Ng mga pinagmulan Ng mga bagay-bagay sa daigdig.
#CarryOnLearning
Answer:
ALAMAT
Ang Alamat ay isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Ang alamat ay isang malikhaing akda na parte ng panitikan ng Pilipinas. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng alamat ay narito.
Kahulugan ng Alamat
Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.
Halimbawa ng mga Alamat sa Pilipinas
Ang halimbawa ng alamat sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
Alamat ng Pinya
- nagsasaad ang pinagmulan ng pinya at nagbabahagi ng aral ng pagiging masunurin at masipag
Alamat ng Saging
- nagsasaad ang pinagmulan ng saging at nagbabahagi ng aral ng pagiging pasensyoso at maunawain.
Alamat ng Ampalaya
- nagsasaad ang pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng pagiging kontento .
Para sa malinaw na kahulugan ng alamat: