Ano ang kasaysayan at kultura ni Jose rizal?
Home
/
Ano ang kasaysayan at kultura ni Jose rizal?
Ano ang kasaysayan at kultura ni Jose rizal?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Nang ipatapon si Rizal sa Dapitan iginugol niya ang kaniyang buhay sa pagtulong sa mga mamamayan ng Dapitan. Naglingkod siya sa mga tao sa pamamagitan ng panggagamot ng libre sa mga maysakit na mahihirap at doon ay nakilala siya. Nagpatayo rin si Rizal ng mga sistema ng patubig upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat tahanang naroon. Inumpisahan din niya ang ilang proyektong pangkomunidad tulad ng paglilinis ng mga latian upang mawala o masugpo ang sakit na malaria, gayundin ang paglalagay ng pailaw sa lansangan, pagpapaganda ng liwasan at paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa ng Dapitan. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginugol din niya sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa mga kabataan sa Dapitan.
Habang naroon si Rizal sa Dapitan ay patuloy pa rin siyang nag-aral ng wika. Pinag-aralan niya ang ilang wika sa Mindanao tulad ng Bisaya, Sibuanin at Malayo. Ginamit din niya ang kaniyang kahusayan at kaalaman sa pagsasaka. Nakapagbili siya ng ilang ektaryang lupa roon at tinaniman niya ito ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais, kape, at cocoa. Ang pagnenegosyo ang isa sa mga gawain niyasa Dapitan.
Explanation:
pa brainleist
Answer:
Pambansang bayani at itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal (Ho·se Ri·zál). Sa buong buhay niyá, sinikap niyáng maging huwaran ng mga kababayan. Ginawa niyá ang pinakamagalíng na maaari niyáng gawin sa iba’t ibang larangan ng Filipinolohiya, sining, agham, at teknolohiya. Kakikitahan ng pinakamataas na antas ng kasiningan ang kaniyang mga tula, nobela, dula, sanaysay, pintura at eskultura. Isang doktor, dinayo ng mga pasyente mula sa iba’t ibang bansa ang kaniyang mga klinika sa Hong Kong at sa Dapitan, Zamboanga del Norte. Ipinamalas niyá sa Dapitan ang pagiging arkitekto, inhenyero, magsasaka, at imbentor. Mahusay siyáng atleta lalo na sa eskrima. Nag-aral siyáng magsalitâ at magsulat sa iba’t ibang wika.
Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampitó siyá sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso. Dahil pinaghihinalaang filibustero ang Mercado, ginamit niyá ang apelyidong Rizal nang mag-aral siyá sa Maynila. Batà pa’y kinakitahan na siyá ng katalinuhan. Sa Ateneo Municipal sa Maynila, tumanggap siyá ng mga medalya ng karangalan sa pag-aaral at pagsusulat. Pinakamataas na marka ang natanggap niyá nang magtapos noong 1876 ng batsilyer sa sining (katumbas ng mataas na paaralan). Kumuha siyá ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hábang nag-aaral ng pagiging agrimensor sa Ateneo. Huminto siyá sa mga kursong ito nang sa gulang na 21 ay lihim siyáng magpunta sa Europa.Tinapos niyá ang medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa España noong 1885
Explanation:
Makikita mo po dyan
HOPE ITS HELP PO
CARRY ON LEARNING