ano ang katangian o paksa?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang paksa ay maaaring ang bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
Ang paksa ng isang akda ay tinatawag din na tema. Ito ay mahalaga sapagkat ito ang nagmumulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng kilos ng isang karakter sa kwento, nobela, o sanaysay sa kabuuang takbo ng kwento. Ang ilan sa mga pangkaraniwang tema na ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda ay: pagkamakabayan, pagmamahal sa kapwa, pananampalataya, at pagkakaibigan.
Halimbawa:
Ang Kalupi (maikling kwento)- kawalan ng hustisya at pagiging mapanghusga
El Filibusterismo (nobela) - kasakiman
Florante at Laura (korido) - pag - ibig at pakikibaka
Sa Ugoy ng Duyan - pag - ibig ng ina
Romeo at Juliet - pag - ibig at kasawian
Ang paksa sa pangungusap naman ay tumutukoy sa bagay na pinag - uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring pangngalan, panghalip, pandiwa, pang - uri, at pang - abay.
Halimbawa:
Si Ginoong Rodrigo Duterte ay pangulo ng bansang Pilipinas. (pangngalan)
Siya ay matuwid na lider. (panghalip)
Ang mabuting lider ay minamahal ng lahat. (pang - uri)
Ang mga nagsisikap ay binibigyang parangal. (pandiwa)
Kinalulugdan ang totoong marespeto sa mga magulang. (pang - abay)
sorry sorry sorrysorry sorry sorry