Ano ang katotohanang Ipinamulat ng Covid - 19 sa atin?
Home
/
Ano ang katotohanang Ipinamulat ng Covid - 19 sa atin?
Ano ang katotohanang Ipinamulat ng Covid - 19 sa atin?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ano ang katotohanang Ipinamulat ng Covid - 19 sa atin?
Ang sakit na CoVID-19 na sanhi ng Coronavirus ay isang napakalalang sakit na mabilis na kumitil sa buhay ng maraming tao sa daigdig. Walang pinipili ang sinumang matamaan nito ngunit ang mga taong nasa murang edad (kahit mga sanggol) at ang mga tinatawag na senior citizens ang mas kadalasang dapuan ng nasabing sakit. Gayunpaman, hindi rin masasabing ligtas ang wala sa mga nabanggit na edad dahil sa katunayan ay maraming mga manggagamot mismo ang binawian ng buhay. Paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan?
Sa isang iglap, tila isang time machine ang nagpatigil ng mundo at ng mga tao dahil sa mabilis na paglaganap ng sakit na Corona Virus Disease 2019. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na sanhi ng bagong corona virus na ngayon pa lang nakita sa mga tao. Ito ay pangunahing naikakalat ng tao sa tao sa pamamagitan ng mga droplet mula sa taong may sakit kapag siya’y magsasalita, uubo, o babahing. Ang mga droplet na ito ay maaaring pumunta sa mga mata, bibig, o ilong ng mga taong malapit sa kanya. Walang pinipili ang virus na ito kung kaya’t maaari itong kumapit sa kahit kaninong nakasalamuha ng taong may virus.
Noong ng Marso 11, 2020, opisyal na ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 ay maituturing nang isang pandemya dahil sa 118,000 na kaso ng virus sa 114 na bansa habang patuloy pa nitong sinasakop ang iba pang bansa sa buong mundo.
Ayon sa ipinalabas na balita ng Philippine Inquirer noong Mayo 18, 2020, inanunsyo ng Departamento ng Kalusugan ang dagdag na 208 na kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung kaya’t mayroon nang 12,513 Pilipino ang nakararanas ng nasabing sakit. Lubhang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kababayan nating tinatamaan ng virus higit lalo sa Kamaynilaan.
Dahil sa pandemyang ito, ang mga tao, mayaman o mahirap, bata o matanda, sikat o ordinaryo, ay tila biglang huminto sa nakagawiang daloy ng buhay. Iminulat tayo ng kaganapang ito sa realidad ng buhay na tayo ay pantay-pantay, na ang bawat isa ay may mahalagang tungkuling dapat gampanan. Higit sa lahat, ang pagkakaunawaan, pagkakaisa, pagtutulungan, pagmamahal, at pananalig sa Diyos ang siya nating sandata sa ganitong sitwasyon.