Ano Ang kontribusyon ni Trinidad Rizal
Home
/
Ano Ang kontribusyon ni Trinidad Rizal
Ano Ang kontribusyon ni Trinidad Rizal
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
TRINIDAD RIZAL
Si Trinidad Rizal ay pang-sampu sa magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Rizal.
Noong Marso 1886 ay sumulat si Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral kaya't pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo.
Noong Agosto 1893, si Trinidad at ang kanilang ina ay namuhay kasama si Rizal sa “casa cuadrada” o “square house”(bahay kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang walang tao at walang kabuhay-buhay.
Bago namatay si Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang isang lampara, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang lampara ay mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat.
Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Riza