Ano ang layunin ng kwentong bangkang papel?
Plss po paki answer ng maayos :)
Share
Ano ang layunin ng kwentong bangkang papel?
Plss po paki answer ng maayos :)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bangkang Papel
(Genoveva Edroza Matute)
I. Pagkilala sa may akda:
Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
II.Uri ng Panitikan:
Maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
III.Layunin ng may akda:
Ang layunin ng may akda ay upang magbigay ng magandang aral sa mg mambabasa at lalo na sa mga kabataan.
IV.Tema o Paksa ng may akda:
Ang kwento ay tungkol sa isang batang nagawa ng tatlong malaking bangkang gawa sa papel na hindi lumutang sa tubig.
V.Tauhan/ Karakter sa akda:
Batang lalaki
Aling Ading
Miling
Mang Pedring
kanyang Ina at tatay
Aling Feli
Aling Berta
Turing
Pepe
Kapitan
Kawal
VI.Tagpuan o Panahon:
Bahay
Bagong Taon
Sa Baha
VII.Nilalaman/ Balangkas ng mga pangyayari:
Ang mga pangyayari ay nagpapahayag ng magandang aral sa mga mambabasa. Simpleng kwento pero maraming aral tayong matututunan sa buhay.
VIII. Mga Kaisipan/ Ideyang taglay ng may akda:
Ang akda ay nagtataglay ng mga kaisipan na maaari nating matutunan.
IX. Istilo ng pagkakasulat ng akda:
Ang istilo ng pagkakasulat ng may akda ay maganda dahil madali mong maiintindihan ang kwento.
Dagdag Kaalaman:
Ang isyung tinatalakay sa kuwentong “Bangkang Papel” noong 1946, ang taon kung saan nakamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan naglathala ng mga kuwento ang mga awtor. Bakas sa kuwento ang kinimkim sa saloobin ng awtor tungkol sa digmaan noong plinanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Pinamagatan itong “Bangkang Papel” dahil sumisimbolo ito sa kabataan ng bata na tulad ng mga bangkang papel na panandalian lamang ang paglutang sa tubig sapagkat agad din naman itong nawawasak o nasisira, ang kabataan din ng bata ay panandalian lamang ninakaw ito ng realidad ng buhay at mga suliranin, hindi man lamang niya ito na natamasa ng matagal.
Pa brainliest po kung tama, HOPE IT HELPS :D
#CARRYONLEARNING