ano ang limang digmaang kinasangkutan ng mga griyego?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
ANG BANTA NG PERSIA
Ipinagpatuloy ni Darius I ang hangarin ng kanyang amang si Cyrus the great na mapalawak ang kanilang imperyo. Sinalakay niya ang ilang lungsod-estado ng kolonyang Greek. Dahil dito, nagpadala ng tulong ang lungsod-estado ng Athens ngunit natalo din. Ginawang hakbang ito ng Persia upang masakop ang Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pagsalakay, naghanda ang Athens ng barkong pandigma o fleet.
Picture
Ang Digmaang Graeco-Persia (499-479 BCE)
Labanan sa Marathon
Marathon.Isang kapatagan sa hilagang silangan ng Athen. Tinalo ng 10,000 pwersa ng Athens ang humigit-kumulang na 25,000 pwersa ng Persia na pinamumunuan ni Darius I.
Labanan sa Thermophylae
Thermopylae. Isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalalim ni Leonidas (Matatandaang ang mga Spartan ang pinakamahuhusay ng mandirigma sa buong daigdig) ang nakipaglaban sa pwesa ng ni Xerxes. Sa loob ng tatlong araw dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang pwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming pwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.
Picture
Labanan sa Pulo ng Salamis
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themitocles (Athenian) ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang daan ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit binabangga ang mga ito hanggang mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth at Megara.