Ano ang maari mong gawin upang makaiwas sa nakahahawang sakit?
Share
Ano ang maari mong gawin upang makaiwas sa nakahahawang sakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
✏️ ANSWERS:
Ano ang maari mong gawin upang makaiwas sa nakahahawang sakit?
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Alamin Ang totoong impormasyon
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili
HOPE IT'S HELP
#CarryOnLearning
#StudyMore