ano ang maganda nagawa ni president ferdinand marcos?
Share
ano ang maganda nagawa ni president ferdinand marcos?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Napa unlad nya ang pilipinas
Answer:
Si Ferdinand Marcos ay ang ika 10 Pangulo ng bansa. Siya ay nagmula at ipinanganak sa bayan ng Ilocos noong ika 11 ng September taong 1917. Siya ang kauna unahang pangulo na nagpatupad ng Martial Law sa bansa. Ang kanyang termino bilang pangulo ay nagtagal mula 1965 hanggang 1986 matapos magkaroon ng People's Power Revolution kung saan siya ay pinatalsik sa pwesto at pinalitan ni Cory Aquino bilang pangulo ng bansa.
Mga naging proyekto at kontribusyon ni Ferdinand Marcos
Bilang pangulo ng Pilipinas sa loob ng mahigit sa isang dekada, maraming programa ang naisakatuparan sa ilalim ng kanyang pamamahala. Narito ang ilan sa mga sumusunod na programa sa kanyang termino
Pagkakaroon ng sapat na pagkain
Green Revolution - Ang produksyon ng palay ay dumami dahil sa kultibasyon ng IR-8 hybrid na palay. Taong 1968, ang Pilipinas ay nakapag labas ng mahigit sa pitong milyong dolyar na halaga ng bigas
Blue Revolution - Ang mga pagkaing pandagat gaya ng mga seafoods ay ipinamahagi sa mga magsasaka upang palaguin at paramihin
Liberalized Credit - Nagpautang ang mga bangko para sa mga magsasaka at iba pa. Ito ay mayroong mababang interes o tubo
Biyayang Dagat - Pagpapautang sa mga mangingisda
Bakahang Barangay - suporta sa mga nag aalaga ng baka
Masaganang Maisan, Maisagana, at Expanded Yellow Corn Program
Gulayan sa Kalusugan and Pagkain ng Bayan Programs
Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK)
Reporma sa edukasyon
Reporma sa pagsasaka
Pagkakaroon ng Primary Health Care ng mga Pilipino
Pabahay sa pamamagitan ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) Housing project
Explanation: