Ano ang masamang epekto ng social media?(atleast for effect)
Share
Ano ang masamang epekto ng social media?(atleast for effect)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
ANO ANG MASAMANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA?
Ngayon na tayo ay nasa Information Age na, halos lahat na ng tao mayroon nang social media accounts. Ang pagkakaroon nga social media accounts ay mahalaga na lalong lalo na na tayo'y nasa pandemic. Ito kasi ay nakakatulong sa atin upang maging updated sa kung ano na ang nangyayari sa mundo. Kahit na maraming benepisyo ang social media sa atin, marami itong masasasamang epkto sa atin. Talakayin natin ang ilan sa mga ito.
Una, ang mga fake news. Kalat-kalat ngayon ang mga fake news sa lahat ng social media platforms at 'di na ito maiiwasan. Marami nang na uto ang mga fake news kaya nag reresulta ito sa pag hindi pagkakaunawaan ng mga tao. At ang 'di pagkakaunawaan ng tao ay nag dudulot nga mga away at kaguluhan sa mga social media platforms.
Pangalawa, pagbaba ng self-esteem. Ang social media ay nakakapagbaba ng self-esteem ng isang tao. Maari kasi niyang i-kumpara ang kanyang sarili sa ibang mga tao. Tatanungin niya ang kanyang sarili na bakit ang 'onti lang ng naglilike ng mga post niya. Isipin niyang hindi siya masyadong gusto ng mga tao.
Pangatlo, cyber bullying. Alam naman lahat natin ang ibig-sabihin ng cyber bullying. Ito ang pagbubully pero ito ay nagaganap sa internet. Dahil sa cyber bullying, may mga taong nagkakaroon ng depression.
Panghuli, pagkawala nang oras sa pamilya. Sa sobrang babad ng mga iba sa mga social media, nakakalimutan na nila makipag bonding sa kanilang mga pamilya na malapit lang sa kanila. Lalong-lalo na ang mga kabataan ngayon, mas inuuna pa ng mga iba ngayon ang kanilang mga nakakach at na 'di rin naman nila kilala sa totoong buhay kaysa sa kanilang mga pamilya.
Iyon lang lamang ang ilan sa mga masamang epekto ng social media. Huwag tayong masyadong magbabad sa social media sapagkat, makakasama ito sa atin.
#CarryOnLearning
Verified answer
Maaari itong makaapekto sa kanilang self-confidence
Maari silang maging biktima ng cyber bullying
Nagdudulot ito ng matinding pressure