Ano ang mga likas na yaman na matatagpuan sa Timog asya
Share
Ano ang mga likas na yaman na matatagpuan sa Timog asya
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pag sasaka po, mga pananim na palay mga halaman at gulay, prutas
Explanation:
Sana po nakatulong
Kahit maikli lang po ang sagot ko
Pwede nyo po ba ako gawing Brainliest :)
Thanks po
Answer:
LIKAS NA YAMAN NG TIMOG ASYA
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya .Palay angmahalagang produkto dito bagama't may mga pataniman din ng trigo,jute,tubo, at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman sa India ang lupa lalo'thigit ang mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra. Malaki rin ang reserba ng bakal at karbon sa bansang ito. Bagama't ipinagbabawal ng pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo. Ang mga kagubatan ng Nepal ay matatagpuansa nga gulod ng mga bulubunduking Himalayas. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang mga gubat bakawan.
Makapal at mayabong ang gubat sa timog-kanlurang Sri Lanka na hitik sa puno ng mohogany at iba't ibang uri ng ng palm. Sa dakong gitnang pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga punong ebony at satinwood. malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nito ng iba't ibang yamang dagat. Sa Ibangbahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan at Bangladesh ay may paghahayupan.Batong apog, bakal, karbon, natural gas,langis,tanso,asin, at gypsum ay ilan sa mga pangunahing yamang mineral ng Timog Asya.