ano ang mga nagawang sakripisyo ni Elpidio R. Quirino?
Share
ano ang mga nagawang sakripisyo ni Elpidio R. Quirino?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World War II.
Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5% sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno.
Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.
At dahil lumalago ang industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.
Pinagbuti rin ang sistema ng irigasyon para sa pagpapalago naman ng Sektor ng Agrikultura.
Naitatag din sa termino ni Quirino ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga rural bank. Ang mga ito ang nakapagpapautang sa mga magsasaka para sa kanilang pinansyal na suporta.
Itinatag din sa Administrasyong Quirino ang Social Security Commission at ang President’s Action Committee on Amelioration na nagbibigay ng ayuda at pautang sa mga mahihirap na Pilipino.
Kabilang sa benepisyong hatid ng mga programang ito ang insurance sa panahon ng pagtanda, aksidente at pagtamo ng permanenteng kapansanan. Dagdag pa rito ang kasiguruhan ng pagbibigay ng tulong para sa problema sa trabaho, kalusugan ng mamamayan, lalo na ng mga ina.
Ngunit sa kabila ng mga positibong hakbang na ito, nabigong lutasin ni Quirino ang problemang agraryo at pantay na antas ng pamumuhay lalo na sa malalayong pook sa bansa. Naging mitsa ito ng pag-igting muli ng paghihimagsik ng HUKBALAHAP.
Sa termino ni Quirino, binuo ang Integrity Board upang bigyan ng tugon ang lumalakas ng panawagan noon para sa pagsasaayos ng estado ng gobyerno laban sa kurapsyon, bagay na nabahiran ng mantsa maging si Pangulong Quirino.
Si Quirino ang kauna-unahang Presidente ng Bansa na sinubukang patalsikin sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment process. Kabilang sa mga akusasyon sa kanya ang nepotismo at ang hindi paggamit ng kaban ng bayan sa tamang pamamaraan.