ano ang mga uri ng dula at ang katangian nito
Home
/
ano ang mga uri ng dula at ang katangian nito
ano ang mga uri ng dula at ang katangian nito
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Uri ng Dula:
1. Parsa - ang layunin ng parsa ay magdulot ng katatawanan sa tagapanood. ito`y gumagamit ng eksaheradong pantomina,pagbobobo (clowning), mga nakakatawa at nakatutuwangpagsasalita.
2. Komedya - may masayang sitwasyon, masayang wakas pagkat nagtagumpay sa layunin at mithin ang pangunahing tauhan.
3. Trahedya - dulang may malungkot na wakas. Hindi natagumpay ang pangunahing tauhan na lutasin ang kanyang suliranin.
4. Melodrama - Hindi lmang tumutukoy sa kawili-wiling misteryo kundi maging sa mapuwersang banghay at sitwasyon, at mapuwersang emosyon o damdamin. ang wakas ng dula na ito ay nagpapakita ng kasiyahan dahil nalutas ang suliranin sa bandang huli.
katangian ng dula with definition:
1. Iskrip o ang pinaka-ideya ng istorya o tagpo – Ang lahat ng dula ay may kwentong sinusunod. Dito malalaman ng mga aktor kung ano ang kanilang sasabihin o gagawin depende sa kung anong parte na ng kwento.
2. Mga tauhan – Ang mga tauhan ay siyang nagbibigay ng buhay sa mga karakter ng isang dula. Sila’y nagpapalabas ng mga emosyon ng karakter na nakasulat sa papel.
3. Wika – Mahalaga ang wika dahil ito ang nagiging plataporma kung saan ginagawa ang dula.
4. Musika – Ang musika ay nagbibigay ng isa pang lebel ng kaaliwan para sa mga tagapanonood. Bukod dito, nagbibigay din ng emosyon ang musika na angkop para sa mga sitwasyon sa kwento.
5. Paraan ng pagtatanghal – Ang paraan ng pagtatanghal ay nakadepende sa maraming mga bagay. Pero ang pangunahing gumagawa o pumipili ng paraang ito ay ang direktor.
Explanation: