Ano ang naging bunga sa pagkakaroon ng curfew?
Nonsense report.
Share
Ano ang naging bunga sa pagkakaroon ng curfew?
Nonsense report.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Panimula:
Ang curfew ay isang magandang batas para sa mga menor-de -edad na nasa langsangan na pakalat-kalat. Magandang ipatupad ang curfew sa mga menor-de-edad dahil maraming menor-de-edad na pakalat-kalat sa oras ng hating gabi sa kalsada. Kaya, ipapatupad ang curfew para hindi na makakagala ang mga kabataan sa mga oras na bawal na lumabas. Dahil maraming menor-de-edad na naaksidente sa hindi tamang pag-uwi nila sa kanilang bahay, minsan umaabot sila sa pag uwi ng umaga at naisama sila sa maling gawin.
Katawan:
Sa pananaliksik maraming mga magulang ang pumapayag na ipatupad ang curfew sa bawat barangay dahil para ang sa kanilang anak ang kaligtasan at kapakanan. Kaya gusto itong ipatupad dahil para ang kanilang anak ay umuwi ng tamang oras sa kani-kanilang bahay at hindi sila maisama sa mga maling Gawain. At para na rin hindi sila magtambay ng gabi sa kalsada dahil sa pagtatambay nila pwede silang maidamay sa kaguluhan at para na rin maiwasa ang aksidente. Tulad nalang ngayon naipatupad na wala ng halos na mga menor-de-edad na kabataan ang pakalat-kalat sa kalsada at sila ay sumusunod na sa batas. Dahil kung hindi sila susunod sa mga batas maaaring maipapahamak o maisama sila sa mga taong gumagawa ng mali. At kahit na hindi sila susunod maraming tanod ang nagiikot-ikot para tignan kung ang mga batay ay nakauwi sa oras kung hanggang 11:00 lang sila pwedeng magtambayo gumala dahil kung sila ay umabot ng oras 12:00 ay kukunin sila ng tanod at ipupunta sa barangay hall at doon sila aabotan ng umaga at ang kanilang magulang nila ang kukuha sa kanila at para sa susunod ay hindi na nila uulitin ang ginawa nila. Pero maraming kabataan ang matigas parin ang kanilang ulo na hindi pa rin sila sumusunod at pauulit-ulit nalang sila hnahuhuling tanod. Kahit na paulit-ulit silang hinuhuli hindi pa rin nagsasawa ang tanod na hulihin sila dahil para sa kanilang kaligtasan at kinabukasan.
Kongklusyon:
Ayon sa aking opinion ang curfew ay isang magandang daan para sa mga menor-de-edad na kabataan dahil simula noong ipinatupad ang curfew ay wala ng halos na kabataan ang pakalat-kalat sa langsangan at lagi na silang sumusunod sa mga batas at doon na sila nagtatambay sa kanilang bahay hindi na sa kalsada.