ano ang naging kontribusyon ni Jose Rizal
Share
ano ang naging kontribusyon ni Jose Rizal
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa ating lipunan
Malaki ang naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa ating lipunan kung kaya't siya ang itinuting na pambansang bayani ng Pilipinas. Ginamit niya ang panulat at lumikha ng mga nobela upang maging sandata niya laban sa panghihimagsik ng mga Kastila. Ito ang nobelang Noli Me Tangere at El Fiibusterismo na kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino laban sa mga dayuhang Kastila. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay parehong tumatalakay sa katiwalian ng pamahalaan at paghahari harian ng mga prayle noong panahon ng mga Kastila at upang magising ang mga Pilipino laban sa mga mapang-aping pamamaraan ng pamamalakad ng mga Espanyol. Dahilan upang magigising ang diwa ng mga Pilipino laban sa pananakop ng mga Kastila.
Si Dr. Jose Rizal
Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Siya ay isa sa labing-isang anak nina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos. Sila ay dalawang magkapatid na lalaki ng kanyang Kuya Paciano.
Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong June 19,1861. Bukod sa Jose, tinatawag rin siyang ‘Pepe’ sa kanilang lugar. Siya ay masasabing isang matalinong bata. Siya ang tinaguriang pambansang bayani, siya ay ipinadala ng kanyang mga magulang sa ibang lugar upang mag-aral. Siya ay naging doktor sa mata at naging manunulat ng mga nobela at tula, siya ang may-akda ng tanyag na nobleang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naging pamamaraan niya sa pagtatanggol sa bansang Pilipinas. Idinadaan niya ito sa kanyang mga panulat kaya't siya ay naresto at hinatulan ng kamatayan.
Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan sa Manila na ngayon ay Luneta Park. Pinatay si Rizal gamit ang baril ng mga Kastilla, patalikod itong binaril ngunit bigla siyang humarap sapagkat ang ibig sabihin ng patalikod na pagbaril ay pagtataksil sa bayan. Pinatay siya ng mga Kastila dahil sa kanyang mga sinulat na nobela na naglalaman ng mga pang-aalipin at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal: brainly.ph/question/576815
#BetterWithBrainly
#ihopeithelps