ano ang nalalaman mo tungkol sa bansang russia
Share
ano ang nalalaman mo tungkol sa bansang russia
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Rusya dati ang pinakanangingibabaw na republika ng Unyong Sobyet. Ngayon, bilang isang malayang bansa mula nang nabuwag ang Unyong Sobyet noong Disyembre 1991, isa itong maimpluwensiyang kasapi ng Commonwealth of Independent States (Komonwelt ng mga Malalayang Estado).
Explanation:
Sana makatulong
Answer:
Ano ang unang pumapasok sa inyong isipan tuwing nababanggit ang bansang Russia? Russian dolls? Vodka? Arkitektura? Sining? Rebolusyon at Giyera?
Kilala ang bansang Russia dahil ito ang pinakamalaking bansa sa Asya at sa buong mundo. Matatagpuan ito sa hilagang parte ng Asya. Kilala ito sa malamig nitong klima, partisipasyon sa mga nagdaang giyera, at mayamang likhang sining, kultura at tradisyon. Ang tawag sa mga naninirahan sa bansang ito ay “Russians” at Russian naman ang kanilang opisyal na wika ngunit marami ring iba’t-ibang etniko ang naninirahan dito kaya binubuo rin ang bansa ng iba’t-ibang wika. Karamihan sa Russians ay binubuo ng Kristiyanismo. Iba’t-ibang nag-gagandahan at nag-lalakihang simabahan ang matatagpuan sa bansa. Bilang Asyano marami pa tayong hindi alam sa bansang ito na siyang pinakamalaki sa Asya, atin itong alamin.
Dahil sa napakalaki nitong lupain, iba’t-ibang klase ng hayop ang naninirahan dito at ang iba pa ay hindi matatagpuan sa ibang lugar at bansa gaya ng Asiatic black bears, snow leopards, polar bears, at mga pikas ngunit ang pinakasikat na hayop sa bansang ito ay ang Siberian Tigers, ang pinakamalaking pusa sa buong mundo. Ang mga nangananib na uri ng hayop na ito ay lumalaki hanggang tatlong (3) metro ang haba at umaabot ang bigat hanggang 300kg.
Explanation:
Bawat siyudad sa Russia ay may iba’t-ibang kultura. Mahigit 12 milyon ka-tao ang naninirahan sa kapital nito na Moscow. Dito matatagpuan ang St. Basil’s Cathedral, isa sa pinaka kilalang atraksyon sa bansa dahil sa napakaganda nitong disenyo at anyo. Masasabing isa ito sa mga yamang arkitektura ng Russia lalo na at nakatayo parin ito hanggang ngayon kahit 459 taon na ang nakakalipas. Matatagpuan rin sa Moscow ang Tretyakov Gallery, naglalaman ng iba’t-ibang likhang sining ng Russia sa buong mundo. Ang isa pa nitong sikat na siyudad ay ang St. Petersburg. Pinangalanan itong sa World Heritage Site ng UNESCO dahil sa napakaganda nitong tanawin, mga bahay at gusali na maganda ang disenyo at arkitektura kung saan noong unang panahon ay para sa mga mayayaman lamang. Marami ring museo, silid aklatan, at makasaysayang monumento ang matatagpuan dito kagaya na lamang ng Hermitage Museum, pangalawa sa pinakamalaking museo sa buong mundo. Mararamdaman rin ang pagiging Russian sa iba’t-ibang siyudad gaya na lamang sa Volga River kung saan naipreserba nila ang itsura at elemento ng sinaunang Russia kaya’t maaaring magbalik tanaw ang mga turista at mga lokal sa kanilang kasaysayan.
HOPE IT HELPS ❣️
#CARRYONLEARNING❣️
#STUDYHARD❣️