Ano ang Nasyonalismo at Imperyalismo...Plss answer
Share
Ano ang Nasyonalismo at Imperyalismo...Plss answer
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang pagkamakabansa o nasyonalismo[1] ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina[2] o kilusang pampolitika[3] na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon. Bagaman nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong pampolitika na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.[4]
•••••••••
Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.
Explanation:
Sana makatulong:))