ano ang paghihinagpis ni florante
Share
ano ang paghihinagpis ni florante
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa labas ng Albanya ay may isang madilim na gubat, na kung saan sa gitna nito ay may isang puno ng Higera na may binatang nakatali, nagdurusa at naghihinagpis sa kaniyang kalagayan at sa sinasapit ng kanilang kaharian.
Ang gubat ay may naglalakihang mga puno na may malalaking mga dahon. Kung kaya sa loob ng gubat ay madilim, dahil napipigilan ng mga dahon ang pagpasok ng liwanag sa loob ng gubat. Ang mga puno ay ginagapangan ng mga dawag at baging na may mga tinik. Mga mababangis na hayop din ang gumagala-gala sa loob ng gubat. Mga serpiyente, hyena, tigre at leon. Napaka-lungkot sa loob ng gubat na iyon. Maging ang mga huni ng mga ibon ay napakalungkot pakinggan. Ang wangis ng mga bulaklak ay waring nagpapahiwatig din ng kalungkutan. Ang mga amoy nila ay di-kaaya-aya. Sa gitna ng gubat nakatali ang isang binate na nagngangalang Florante, na tila isang diyos sa wangis at kakisigan. Siya ay labis na naghihinagpis sa kaniyang kalagayan. Malayo sa kaniyang mga mahal sa buhay. Idagdag pa ang hindi magandang kalagayan ng kanilang kaharian. At dahil na rin sa kalagayan at kapaligiran ng gubat, mas nadagdagan pa ang kalungkutan ng binata. Naguguluhan ang isipan ni Florante sa kaniyang sinapit. Hindi tuloy maiwasan ng binata na magtanong sa langit kung bakit iyon ang kaniyang kalagayan, at kung bakit lumalaganap ang kasamaan. Nawawalan na ng pag-asa si Florante.