ano ang pagkakaiba ng nasyonalismo sa europa at asya
Share
ano ang pagkakaiba ng nasyonalismo sa europa at asya
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Nasyonalismo sa Europe at sa Asya
Ang kasaysayan ng daigdig sa ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pag-unlad at paglaganap ng nasyonalismo. Sa Europe, maraming rebelyon ang isinagawa sa ngalan ng nasyonalismo na ang nagsilbing inspirasyon ay ang ideyang pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng Rebolusyong French. Sa Asya,ang huling bahagi ng ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pagtatangkang lumaya mula sa mga puwersang Kanluranin.
Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
Ito ay ang pagmamahal sa bansa na nakaugat sa kamalayan ng isang lahi na sila ay nabubuklod ng isang wika, kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at relihiyon. Sa kabuuan, ang nasyonalismo ay isang positibong puwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakakilanlan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng ibang bansa.
NASYONALISMO SA EUROPE
Ang unang yugto ng pagkabuo ng nasyonalismo sa Europe ay sinasabing kinakitaan ng katapatan sa grupong lingguwistiko at kultural at ang pagnanais na makalaya mula sa kontrol ng dayuhan. Kalaunan, umunlad ito tungo sa kilusang nagtataguyod ng kagalingan ang bansang kinabibilangan at pakikipaglaban sa karapatan ng mga mamamayan na maitakda ang sariling kapalaran. Ang halimbawa nito ay ang Rebolusyong French.
Explanation:
I HOPE ITS HELP
BRAINLIEST NALANG PO