ano ang pangyayari sa parabulang "ang tusong katiwala"
Share
ano ang pangyayari sa parabulang "ang tusong katiwala"
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Ang Tusong Katiwala
Buod:
May isang katiwala na naglulustay ng ari-arian ng kanyang amo , Sa di kalaunan ay nalaman ng kanyang amo ang kanyang panglulustay na ginagawa, Sinabihan siya ng kanyang amo na aalisin na sa kanyang posisyon ngunit bago siya umalis ay kaylangan muna niyang gumawa ng pag-uulat tungkol sa kanyang pangangasiwa.Naging problema iyon ng katiwala sa dahilang totoo ang panglulustay na ginawa niya sa ari-arian ng kanyang amo.mawawalan siya ng trabaho at ang tanging trabaho lamang na gusto niya ay ang maging katiwala ayaw na niyang bumalik sa pagbubungkal ng lupa. Kaya naman nakaisip siya ng tusong paraan. Nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyang amo at pinapirma ng kasulatan na nakasaad na ang kanilang utang sa mas maliit kaysa sa aktwal na utang nila upang kung sakali man na masesante siya ay mayroon man lamang na tatanggap at magpapatuloy sa kaniya.At natuwa naman ang amo sa ulat na ginawa ng katiwala.
Ang mensahe ng parabulang pinamagatang "Ang Tusong Katiwala" ay tungkol sa pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa iyo. Ang tiwalang ipinagkaloob sa'yo ng ibang tao lalo na ng iyong amo ay dapat alagaan kahit sa pinakamaliit na bagay o utos man. Mas higit kang pagkakatiwalaan sa malalaking mga bagay kung naipakita mong mahusay ka kahit sa maliliit na bagay lamang.
Mahalaga na maging matapat tayo sa lahat ng bagay at aspeto ng ating buhay. Kung sasanayin nating hindi maging tapat miski sa gatuldok na bagay, magiging malaki ang posibilidad na sa mga susunod na panahon ay hindi na rin tayo magiging tapat sa mga mas lumalaki na bagay kung saan nakaapekto na sa iba.