Ano ang sangay ng pamahalaan kung saan namumuno ang pangulo?
NEED IT NOW MAY TEST PO KAMI
Share
Ano ang sangay ng pamahalaan kung saan namumuno ang pangulo?
NEED IT NOW MAY TEST PO KAMI
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ehekutibong Sangay
Ang sangay ng pamahallan kung saan namumuno ang pangulo ay ang ehekutibong sangay.
Explanation:
LEHISLATURANG SANGAY
Ang Lehislaturang sangay ay pinahihintulutang gumawa ng mga batas, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas. Nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
EHEKUTIBONG SANGAY
Ang Ehekutibong sangay ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng boto ng nakararami at magsisilbi sa loob ng anim na taon. Binibigyan ng Konstitusyon ang Pangulo ng kapangyarihang piliin ang kanyang Gabinete. Bubuuin ng mga kagawarang ito ang isang malaking bahagi ng burukrasya ng bansa.
HUDIKATURANG SANGAY
Ang Hudikturang sangay ay may kapangyarihang lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas. Hinahatulan ng sangay na ito kung nagkaroon o hindi ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng kakulangan o kalabisan ng kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan. Binubuo ito ng Korte Suprema at mga nakabababang hukuman.
Hayagang ginagawaran ng Konstitusyon ang Korte Suprema ng kapangyarihan ng Judicial Review, o kapangyarihang ideklara bilang unconstitutional o labag sa konstitusyon ang mga pandaigdigan at pang-ehekutibong kasunduan, batas, atas ng pangulo, proklamasyon, kautusan, tuntunin, ordinansa o regulasyon.