ano ang tungkulin at ginawa ni magsaysay noong siya ay nabubuhay pa
Share
ano ang tungkulin at ginawa ni magsaysay noong siya ay nabubuhay pa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
"RAMON MAGSAYSAY"
Explanation:
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Answer:
iniligtas nya ang demokrasya ng pilipinas,At siya ang ikapitong pangulo ng pilipinas,Nagsilbi sya hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinasadyang pagbagsaka ng eroplanong kanyang sinasakyan
Explanation:
hope it helps