ano ang tungkuling kanilang ginagampanan sa pamahalaan pangulo,pangalawang pangulo,senador,alkalde,at kapitan
Share
ano ang tungkuling kanilang ginagampanan sa pamahalaan pangulo,pangalawang pangulo,senador,alkalde,at kapitan
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pangulo ng Pilipinas
-Commander in chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
-Pinuno ng ehekutibong sangay ng Pamahalaan (kabilang ang mga Cabinet at lahat ng mga Kagawaran)
-Tanggihan ang bagay na paglalaanan ng pondo o sistema ng pagbubuwis
-Magtalaga ng bagong ikalawang pangulo mula sa kongreso at sa pahintulot ng nakararami sa kongreso kapag nabakante ang posisyon ng ikalawang pangulo
-Depende sa pagsang-ayon ng kumisyon ng pagtatalaga, italaga ang mga pinuno ng mga sangay na tagapagpaganap, kinatawan sa ibang bansa, pampublikong kinatawan, ilang opisyal ng kasundaluhan, at iba pang posisyon sa gobyerno ayon sa konstitusyon
-Mangangasiwa sa lahat ng sangay ng gobyerno at siguraduhing lahat ng batas ay nasusunod
-
Bise Presidente
-Maaaring tumanggap ng posisyon sa gabinete at gampanan ang tungkulin nito
-Magsilbing Pangulo kung ang posisyon na ito ay nabakante
Senador at Kongresista
-Humarap sa kanilang lupon para madinig sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang katungkulan
-Magdeklara ng kundisyon ng giyera ayon sa boto ng 2/3 ng pinagsamang pagpupulong ng senado at kongreso
-Sa panahon ng giyera o sakuna, maaaring bigyan ng kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para tugunan ang sitwasyon, maaari din itong bawiin ng kongreso
-Magmumula sa mababang kapulungan ang mga batas na ipapatupad ukol sa pagbubuwis, utang ng gobyerno at iba pang bayarin (ang senado ay maaari lamang magmungkahi at sumang-ayon).
-Ang proseso sa pag-aapruba ng pondo ng kongreso ay susunod sa patakaran ng pag-aapruba sa iba pang sangay ng gobyerno
-
Gobernador ng Lalawigan
-Ilatag ang batayan ng mga polisiya ng probinsiya at managutan sa sangguniang panlalawigan para sa mga programa ng gobyerno
-Bigyang direksyon ang planong pangkaunlaran ng probinsya
-Ihayag sa Sangguniang Panlalawigan ang programa ng gobyerno at magmungkahi ng angkop na polisiya at proyekto
-Pangatawanan ang probinsiya sa lahat ng negosasyon , kontrata at obligasyon sa pagsang-ayon ng Sangguniang panlalawigan
-Magsagawa ng mga paraan para matugunan ang mga sakunang natural o gawang-tao
-Suriin ang mga talaan at dokumento ng lahat ng tauhan ng probinsiya
-
Municipal Mayor
-Mangasiwa sa lahat ng gawain ng lungsod
-Ilatag ang batayan ng mga polisiya ng lungsod at managutan sa Sangguniang Panlungsod para sa mga programa ng gobyerno
-Bigyang direksyon ang planong pangkaunlaran ng lungsod
-Ihayag sa Sangguniang Panlungsod ang programa ng gobyerno at magmungkahi ng angkop na polisiya at proyekto
Vice Mayor
-Manilbihang pangunahing opisyal ng
-Sangguniang Panlungsod (SP), maaari lamang bumoto pag tabla (pareho ang dami ng bilang) ang botohan
-Pirmahan ang mga dokumento sa paggasta ng SP
-Italaga ang mga opisyal at empleyado ng SP ayon sa nakasaad sa serbisyo sibil
-Punan ang nalalabing panahon sa opisina ng mayor kung ito ay mabakanti
Sangguniang Panlungsod (City Councilors)
Aprubahan at magpasa ng mga resolusyon para sa maayos na pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.
Gamitin ang buwis at iba pang likas yaman para sa pagpapaunlad ng lungsod
Magsagawa ng mga ordinansa sa pag-aapruba ng mga permiso at lisensya ng kalakalan at iba pang operasyon sa lungsod
Mangasiwa sa mga gusali at imprastrakturang nasasakupan ng lungsod
Aprubahan ang mga ordinansa sa mahusay na pamamahagi ng mga serbisyo publiko
Barangay Kapitan
Ipataw ang mga batas at ordinansa na naangkop sa barangay
Makipagtalakayan at mangontrata para sa barangay sa pahintulot ng Sangguniang Barangay
Panatilihin ang kaayusang pampubliko
Tumulong sa Mayor at sa Sangguniang
Sangguniang Pambarangay (Barangay Councilors)
Ipataw ang mga ordinansa para sa kapakanan ng barangay
Ipataw ang mga ordinansa sa pagbubuwis
Sundin ang taunang badyet
Paglaanan ang pagpapagawa at pagpapaayos ng mga gusali at pampublikong gawain ayon sa pondo ng barangay at iba pang pondo na nakalaan
Magbigay mungkahi sa Sangguniang Panlungsod para sa ikauunlad ng barangay
Tumulong sa paggawa at pag-organisa ng mga kalakalan sa loob ng barangay
Pangasiwaan ang mga pasilidad na nasa kapangyarihan ng barangay pati na ang pagsingil sa pag-gamit ng mga ito
Mangalap ng pondo, materyales at tauhan para sa pampublikong gawain at kalakalan na makatutulong sa barangay
Bayaran ng naaayon ang paninilbihan ng mga opisyal ng barangay
Pahintulutan ang punong barangay na mangontrata para sa barangay
Sangguniang Kabataan (SK)
Magsagawa ng mga programa para sa paglago ng sosyal, politika, kultura, dunong, pagpapahalaga, ispiritwal at pisikal ng mga miyembro
Magsagawa ng mga gawain para kumalap ng pondo parasa sangguniang kabataan
Bumuo ng mga grupo para sa pagganap ng tungkulin ng SK
Magpasa ng taunang report sa sangguniang barangay ukol sa mga gawain at proyekto ng SK
Explanation:
HOPE IT HELPS