ano-ano ang apat na yugto ng konsensiya? ipaliwanag ang bawat isa gamit ang isang halimbawa
Share
ano-ano ang apat na yugto ng konsensiya? ipaliwanag ang bawat isa gamit ang isang halimbawa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang konsensya ay katangian na taglay ng tao at ito ang nagsasabi s] kung ano ang tama at mali. Ito ay may apat na yugto. Ang yugto ng konsensya ay ang:
Alamin at naisin ang mabuti
Pagkilatis sa partikulat na kabutihan sa isang sitwasyon
Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
Unang Yugto
Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang tayo ay nilikha upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan.
Ikalawang Yugto
Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.
Ikatlong Yugto
Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Ang ikatlong yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin,” o kaya naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing resolusyon sa “krisis” na kinakaharap natin.
Ikaapat na Yugto
Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay. Pinagninilayan o binabalikan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating moralidad.