ano ano ang dapat isaalang alang sa pagsasagawa ng makataong kilos
c'mon help meee:((
Share
ano ano ang dapat isaalang alang sa pagsasagawa ng makataong kilos
c'mon help meee:((
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng makataong kilos
Kahulugan:
1. Ang layunin ay tumutukoy sa panloob na kilos na kung saan nakatuon ang kilos - loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos; hindi ito nakikita o nababatid ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos.
2. Ang paraan ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay nararapat na o b h e t o nito.
3. Ang sirkumstansiya ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas oa nakadaragdag ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
4. Ang kahihinatnan ay ang nagsasabi na ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kaniyang pipiliin. Kailangang mapag - isipang mabuti at makita kung ano ang magiging resulta ng anumang kilos na gagawin.
Iba't - Ibang Sirkumstansiya:
Ang sino ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos
Ang ano ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
Ang saan ay tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Ang paano ay tumutukoy sa paraan kung paano isinasagawa ang kilos.
Ang kailan ay tumutukoy kung kailan isinasagawa ang kilos.