ano-ano ang epekto ng pagpapakamatay sa lipunan?
Share
ano-ano ang epekto ng pagpapakamatay sa lipunan?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ano ang epekto ng pagpapatiwakal?
Sagot:
Ang pagpapatiwakal ay isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasabit o pagsakal ng leeg sa lubid o kable hanggang sa mamatay. Ang mga epekto nito ay ang mga sumusunod:
Epekto ng Pagpapatiwakal
Pagkamatay ng katawan - Kapag ang isang tao ay nagpatiwakal ang pinakamalaking epekto nito ay ang pagpanaw ng katawan sa lupang ibabaw.
Paglabag sa ika-limang utos - Ang ika-limang utos na "Huwag kang papatay" ay isang mahalagang utos na kaakibat ng bilin ng Diyos sa mga unang tao na sina Adan at Eba na "Humayo kayo't magpakarami. Paano ka makakapagparami kung kikitilin mo ang iyong sarili.
Paglisan ng kalukuwa sa iyong katawan - Ang isang buhay na tao ay binubuo ng 2 mahalagang aspekto o bahagi, Ang Katawan at ang Kaluluwa. Ang pagkawala ng isa ay mangangahulugan ng kabaligtaran ng buhay ang kamatayan. At kapag kinitil mo ang iyong buhay ay mangangahulugan itong lilisan na ang iyong kaluluwa at ang katawan mo ay magigi ng isang bangkay.
Pagdurusa ng Kaluluwa sa Impiyerno - Ang paniniwala ng mga Kristyano na ang pagpapatiwakal o pagbibigti na lumalabag sa utos ni Kristo na "Ibigin mo ang iyong sarili" at sa ika-limang utos na "Huwag kang papatay " ay isang kasiguraduhan na ang iyong kaluluwa ay dederetso sa impyerno o dagat dagatang apoy na kahit kailan ay hindi maaapula.
Kalungkutan ng pamilya - Kapag namatay ang isang tao, lalo na kung sa paraang siya mismo ang gumawa at nagnais, ay iniiwan niyang nagdurusa o nagluluksa ang kanyang pamilya sa paraang sinisisi ng bawat miyembro ang kanilang sarili kung bakit mo ito ginawa.
Pagkawala ng karapatang maging maligaya sa mga susunod na araw - Kung kikitilin ng isang tao ang kanyang buhay ay mawawalan na ito ng karapatang makita ang ganda ng mundo sa susunod na araw.
Nagigi tayong isang malaking kawalan sa lipunan - Anuman ang ating naranasan dapat din nating isaalang-alang ang ating mga nagawa at dapat magawa sa ating lipunan o komunidad.
Pagkawala ng abilidad na magmahal sa sarili at sa iba -Kung kikitilin ng isang tao ang kanyang buhay, ito ay nangangahulugan na inalisan na niya ng kakayahan ang kanyang sarili na magmahal. Ayon nga sa kasabihan "Kapag inalis mo ang pag-ibig sa iyong puso at isip sa loob ng isang segundo ay maaari kang mamatay".
Pagpapaliwanag:
Ang pagpapatiwakal o pagbibigti ay malaki ang nagiging epekto sa lipunan at sa ibang tao at lalong lalo na sa nagbigti. Ito ay maaaring mangahulugan na ang lipunan natin ay unti-unti ng nagiging taliwas sa Diyos at sa kanyang mga utos. Ngunit tingnan din natin ang mga kadahilanan kung bakit nagbibigti ang isang tao.
Mga Dahilan ng Pagpapatiwakal
Kahirapan na hindi nagdudulot upang ang mga tao ay makapag-isip ng mga bagay na hindi dapat at hindi tama.
Gutom na hindi na kayang matiis ng katawan
Sakit na wala ng lunas kung kaya't uunahan na lamang ang sakit na kitilin ang kanyang buhay
Labis na pag-iisip sa isang bagay na hindi naman dapat na pagtuunan ng pansin
Labis na dalamhati dulot ng iba't ibang tao o pangyayari sa komunidad
Pagkasawi sa hanap-buhay, pag-ibig, eskwelahan, atbp.
Paglisan ng minamahal
Pagkawala ng gana sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa kanya
Pagkakaroon ng sakit na sikolohikal na nag-uudyok upang ang isang tao ay labis na masadlak sa kalungkutan at mauwi sa pagpapakamatay
Pananakit ng iba na nagdudulot upang wakasan ng isang tao ang kanyang buhay imbis na harapin ang pananakit at labanan ang mga taong gumagawa nito.
Walang pumapansin sa kanyang nararamdaman
Walang nagtutuon ng atensyon sa kanya
Walang nakakaunawa
Walang naghihikayat na tingnan ang buhay bilang isang himala at hindi bilang isang sumpa.
Pagkukulang ng mga magulang na makita ang paghihirap ng kanyang sariling anak.
Upang malaman kung bakit nagpapakamatay ang taong may depresyon ay maaaring iklick ang link na ito brainly.ph/question/1022806
Iba pang dahilan ng pagpapakamatay - brainly.ph/question/1848958
Iba't ibang uri ng pagpapatiwakal
Pagbibigti
Pagsasaksak sa sarili o paghiwa/paglaslas
Pagpapakalunod
Suicide Bombing
Pagtalon sa mataas na gusali
Paglalason
Pagbaril sa sarili
Pagkuha ng isang hired killer
Makakaiwas ang isang tao sa pagpapakamay kung ibibigay niya ang kanyang sarili sa plano ng Diyos sa kanyang buhay.
Tingnan ang iba pang paraan ng pag-iwas sa pagkitil sa sarili sa link na ito brainly.ph/question/2003623
Explanation: