ano-ano ang ginagawa kapag brigada eskwela?
Share
ano-ano ang ginagawa kapag brigada eskwela?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Brigada Eskwela ay anim na araw na pagkakaisa at pagtutulongan sa mga gawain ayon sa nakatakdang pambansang panahon nito noong Mayo 20-25, 2019. Ngunit, ang isang lingong pambansang paghahanda sa mga paaralan ay hindi lamang nalilimitahan ng anim na araw na gawain dahil maagang naghahanda ang mga kabilang sa programa at umaalwas pa sa natakdang oras dahil inihahanda pa ng mga ito ang report sa post evaluation.
Bilang isang Baguhan na tagapangasiwa ng Brigada Eskwela ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma Uno, nakikita ko na malaki ang naging pagbabago ng paaralan at isang malaking hamon sakin na mapantayan man lang kung hindi mahihigitan ang nagawa nuong nakaraang taon kung saan nahirang na pang limang pinakamahusay na implementer ng Brigada Eskwela sa buong Rehiyon ng CaLaBaRZon ang paaralan.
Masasabi ko at maipagmamalaki ko na isang napakagandang programa ito ng Kagawaran ng Edukasyon at tunay na malaki ang pakinabang ng mga mag-aaral at lahat ng kasapi sa pagpapalaganap ng karunungan. Taos puso kong ipagsisigawan na nararapat na gawin at pagtibayin pa ang programang ito dahil malaki ang ambag nito sa kalinangan ng mga mag-aaral. Tunay na kapaki-pakinabang ang gawaing ito, ngunit ito’y nangangailangan ng mehabang pasensya at determinasyon upang mapanatili ang layunin ng programang ito.
Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakibahagi samin sa pagpapagal upang makamit at maging posible at lahat ng layunin ng Brigada Eskwela.
Una sa lahat, Pinasasalamatan ko ang Puong Maykapal dahil siya ang nagbigay ng lakas at daan upang maging matagumpay at matiwasay ang gawaing ito.
Gayundin ang taos puso kong pasasalamat sa lahat ng Punong Barangay ng Cluster Five at mga Barangay Konsihal na walang sawang sumuporta at tumugon sa lahat ng pangangailangan ng paaralan, mapatrabaho man, kagamitan at salapi.
Hindi din matatawaran ang aking labis na pasasalamat sa aming butihing punong guro na si Gng. Cristina G. Lagasca sa walang humpay na paggabay at suporta na kanyang ibinigay sa buong pamunuan ng paaralan.
Habang buhay din ang aming pasasalamat sa lahat ng pribadong sector at organisasyon na taos pusong nagbigay ng biyaya sa paaralan sa layunin na mapabuti ang kalinangan ng mga mga-aaral. Gayundin sa lahat ng boluntaryong nagbigay ng serbisyo, lalong-lalo na ang mga 4P’s na mga magulang na nagbanat ng buto at naglabas ng maraming pawis ngunit hindi napapagod sa bawat gawain upang masiguro lang na maging malinis at handa ang paaralan sa darating na pasukan.
At syempre, sa lahat ng guro at mangagawa ng Mababang Paaralan ng Bayan Luma Uno. Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala kayo, wala ang serbisyo niyo. Ang lahat ng inyong pagpapagal, pagod, suporta at walang kapantay na pagtulong bilang isang pamilya ay hinding-hindi malilimutan ng susunod na henerasyon.
Answer:
Mag lilinis ng room
Explanation:
dahil kapag balok eskuwela ay
ganon ang gagawin ng lahat.