ano-ano ang mga epekto ng likas na yaman ng anyong gubat
Home
/
ano-ano ang mga epekto ng likas na yaman ng anyong gubat
ano-ano ang mga epekto ng likas na yaman ng anyong gubat
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Malaki ang epekto ng pagkasira ng likas na yaman sa ating mga tao at maging sa lahat ng may buhay na naninirahan sa mundong ibabaw. Dahil sa ating mga likas na yaman ay nabubuhay tayo ng matiwasay masagana,malusog at masaya dahil sa ating mga likas na yaman tayo kumukuha ng mga pagkain, maiinom,malalanghap na sariwang hangin at iba pa, kaya ano na lamang kung masira ang ating likas na yamang maaring lahat ng nabubuhay sa mundo ay mawala narin.
Explanation:
Mga likas na yaman
Likas na yamang Gubat
Likas na yamang Lupa
Likas na yamang Mineral
Likas na yamang Tubig
Mga Epekto ng pagkasira ng mga likas na yaman
Likas na yamang gubat
Kung masisira ang likas na yamang gubat, malaki ang epekto nito sa mga tao na umaasa ang ikinabubuhay sa ating kagubatan, gayundin ang mga hayop na naninirahan sa ating kagubatan maari silang mangamatay at tuluyan ng maubos. dahil na rin sa ilan nating mga kababayan na iniisip ay pang sarili lamang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy, dahilan kung bakit nagaganap ang malawakang pagbaha at pagguho ng lupa. dahil na uubos na ang mga punong kahoy na dapat sana ay sasangga sa mga ganitong klase ng sakuna.
Likas na yamang lupa
Ang likas na yamang lupa ay tumutukoy sa mga halaman na nabubuhay sa lupa na siya nating pinagkukunan ng pagkain,katulad ng palay,niyog,mga gulay,at maging ang mga herbal na halaman. isipin natin kung masisira ito ng tuluyan ay magkakaroon ng taggutom, pagtaas ng bilihin sa merkado dahil magkukulang na ang supply ng mga produktong nagmumula sa ating mga anyong lupa.
Likas na yamang mineral
ang likas nayamang mineral ay tumutukoy sa mga mineral na nakukuha o nagmumula sa ating mga kabundukan at ilalim ng lupa.katulad ng ginto,pilak,marmol, Copper, dyamante at iba pa.Kung masisira ang mga ito malaki ang mawawala sa ating ekonomiya, marami din ang mga mawawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil marami sa atin mga kababayan ay minero lalo na sa Lungsod ng Benguet.
Yamang tubig
ang likas na yamang tubig ay tumutukoy sa ating karagatan,lawa,sapa,ilog, malaki ang magiging epekto nito sa atin lalo na sa mga mangingisda dahil dito sila kumukuha ng pangkabuhayan upang ipangtustos nila sa kanilang pamilya sa mga pang araw-araw nitong pangangailangan.
Hindi pa naman huli ang lahat upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman, kailangan lang nating magtulungan at magkaroon ng disiplina ang bawat isa sa atin, tungo sa wastong pangangalaga ng ating inang kalikasan.