ano-ano ang mga maaaring side effect na mararamdaman ng iyong katawan sa pagbabakuna?
tulong po pls
Share
ano-ano ang mga maaaring side effect na mararamdaman ng iyong katawan sa pagbabakuna?
tulong po pls
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang bakunang ito ay maaaring makapigil sa mga tao na magkasakit ng COVID-19. Ang
Comirnaty ay walang taglay na anumang buhay na virus, at hindi ito makapagbibigay sa iyo ng
COVID-19. Ito ay may taglay na genetic code para sa isang mahalagang bahagi ng SARSCoV-2 virus na tinatawag na spike protein. Matapos kang mabakunahan, kokopyahin ng iyong
katawan ang spike protein. Pagkatapos, ang iyong immune system (naturalesa) ay matututong
kilalanin at labanan ang SARS-CoV-2 virus. Ang genetic code ay mabilis na nadudurog ng
katawan.
Ang maaasahan matapos ang pagbabakuna
Tulad ng sa anumang bakuna, ikaw ay maaaring magkaroon ng ilang side effect matapos
mabakunahan laban sa COVID-19.
Kabilang sa karaniwang mga side effect makaraang mabakunahan ng Comirnaty ang:
• pananakit o pamamaga sa bandang ininiksyunan
• pagkapagod
• sakit ng ulo
• pananakit ng kalamnan
• pangingiki
• lagnat
• pananakit ng kasukasuan.
Kabilang sa hindi karaniwang mga side effect makaraang mabakunahan ng Comirnaty ang:
• pamumula sa bandang ininiksyunan
• inaalibadbaran nausea
• namagang mga lymph node (kulani)
• masama ang pakiramdam
• pananakit sa braso
• di-pagkakatulog
• pangangati sa bandang ininiksyunan