ano ano ang mga makasaysayang sa ncr pumili lng ng lima
Home
/
ano ano ang mga makasaysayang sa ncr pumili lng ng lima
ano ano ang mga makasaysayang sa ncr pumili lng ng lima
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Bagumbayan (Luneta Park or Rizal Park)
Ngayo’y tinatawag na Luneta Park, isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas ang Bagumbuyan. Dito kasi binaril ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal matapos siyang mag-aklas sa pamamagitan ng propaganda laban sa mga Espanyol.
Fort Santiago
Itinayo ang Fort Santiago taong 1590 at itinuturing bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Nagsilbi itong kulungan noong panahon ng mga Kastila. Bago barilin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan, ikinulong muna siya sa Fort Santiago sa Intramuros na ngayo’y isa nang sikat na atraksiyon sa lugar dahil sa kasaysayan nito. Matatagpuan sa makasaysayang pook na Intramuros ang Fort Santiago.
Intramuros
Kung naghahanap kang inspirasyon para ika’y gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kasaysayan sa pagdating ng simbahang katoliko sa Pilipinas, bisitahin mo ang Maynila. Isa ang Maynila sa mga makasaysayang pook na may malagim at makasaysayang nakaraan dahil tinupok ng World War II ang maraming gusali sa siyudad. Ang Intramuros, tinaguriang “The Walled City” ang makasaysayang pook sa Luzon na talagang hinagupit ng giyera. Pero maraming bahagi nito ang napreserba kaya naman ngayo’y madalas itong pasyalan ng mga turista mapa-Pilipino o banyaga. Intramuros ang isa sa mga pandaigdig na pamanang pook.
Edsa Shrine
Isa pa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas ay ang EDSA Shrine kung saan naganap ang pag-aaklas ng mga Pilipino taong 1986 laban sa diktador na si Ferdinand Marcos para matapos na ang idineklara niyang Batas Militar (Martial Law). Dahil sa EDSA People Power Revolution, nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng diktador.
Bonifacio Shrine
Ang Bonifacio Shrine, kilala rin bilang Kartilya ng Katipunan o Heroes Park, ay isang pampublikong parke at plaza sa Ermita, Maynila, Pilipinas na matatagpuan lamang sa hilaga ng Manila City Hall at sa timog ng Mehan Garden at Liwasang Bonifacio. Ang pinakasentro nito ay ang monumento ng rebolusyonaryong Pilipino na si Andrés Bonifacio at ang Rebolusyong Pilipino sa harap ng Padre Burgos Avenue.
HOPE THIS HELP