Ano-ano ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap?
Share
Ano-ano ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1.Simuno— Kung ang pangngalan ay paksa sa pangungusap.
Halimbawa: Ang Coron ay matatagpuan sa Palawan.
2. Pantawag — Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pangungusap.
Halimbawa: Mama, maari po bang magtanong?
3.Pamuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang parte ng paksa, ito ay tinatawag na pangngalang pamuno.
Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon, ang tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan, ay dinadayo ng mga turista.
Ang salitang tirahan ay bahagi ng paksa ng pangungusap at tinutukoy ang simuno. Ang Kuwebang Tabon at tirahan ay iisa lamang.
4.Kaganapang Pansimuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang parte ng panaguri, ang pangngalang ito ay tinatawag na kaganapang pansimuno.
Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon ay tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan.
Ang mga salitang Kuwebang Tabon na makikita natin sa simuno at salitang tirahan na makikita natin sa panaguri ay iisa lamang.
5.Layon ng pandiwa ( Tuwirang Layon) — Ang pangngalang tumatanggap ng kilos ay siyang layon ng pandiwa.
Halimbawa: Gumawa ng hakbang ang mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid ng lawa.
Ang pangngalang hakbang ang siyang tumatanggap ng kilos ng salitang gumawa.
6.Layon ng Pang-ukol — Ang pangngalan na kasunod ng pang-ukol ay ang layon ng pang-ukol. Kinukumpleto nito ang kahulugan ng pang-ukol.
Halimbawa: Tungkol sa Palawan ang aklat na ito.