Ano-ano ang mga programang naitatag ni pangulong ferdinand marcos
Share
Ano-ano ang mga programang naitatag ni pangulong ferdinand marcos
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
➡️ANSWER⬅️
Programa sa Reporma sa Lupa • Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. • Itinatag din ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang mamahala sa pamamahagi ng lupa.
Proyektong Imprastruktura • Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang “The Architect of the New Society”
Green Revolution • Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. • Hinikayat din ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa mga bakuran, gusaling pampamahalaan at mga bakanteng lote.
Paglinang sa Kulturang Pilipino • Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater. Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.
Konklusyon: • Naging maayos ang pamamahala ni Pang. Marcos sa unang termino ng kanyang panunungkulan (1965-1969). Ngunit sa pagtatapos ng kanyang ikalawang termino, dumanas ng matinding krisis pampulitika at pang-ekonomiya ang Pilipinas. Dahil dito, ipinatupad ni Pang. Marcos noong Sept. 21, 1972 ang Batas Militar. Dito nagwakas ang Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Explanation:
#CarryOnLearning
#Hope it Helps