Ano-ano yung mga batas from 1902 to 1935 na pinasa ng US Congress na tungkol sa Pilipinas?
Share
Ano-ano yung mga batas from 1902 to 1935 na pinasa ng US Congress na tungkol sa Pilipinas?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Noong Pananakop na Amerikano, pinamahalaan ang Pilipinas ng mga batas ng Estados Unidos. Ipinasá ang mga Batas Organiko ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pangangasiwa ng Pamahalaan ng mga Isla ng Pilipinas. Nauna ang Batas Organiko ng Pilipinas noong 1902 na nagbukas ng Asembleang Filipino na binubuo ng mga mamamayang Filipino. Ikalawa ang Batas Pagsasarili ng Pilipinas noong 1916, na naglahok ng unang pangako ng kalayaan ng Pilipinas. Nagsilbing saligang batas ng Pilipinas ang mga batas na ito mulang 1902 hanggang 1935.Noong 1934, nagpasa ang Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Kalayaan ng Pilipinas, na nagtakda ng mga hanggahan para sa pagbubuo ng saligang batas ng Pilipinas. Nag-atas ang Batas sa Lehislaturang Filipino upang manawagan ng halalan ng mga kalahok sa Kumbensiyong Pansaligang Batas upang magbuo ng borador ng Saligang Batas para sa Pilipinas. Natapos ng 1934 Kumbensiyong Pansaligang Batas ang gawain nito noong Pebrero 8, 1935. Ipinása ang Saligang Batas sa Pangulo ng Estados Unidos para sa pagpapatibay nito noong Marso 25, 1935. Sang-ayon ito sa Batas Kalayaan ng Pilipinas ng 1934. Pinagtibay ng mga mamamayang Filipino ang 1935 Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisitong pambansa noong Mayo 14, 1935, at naisakatuparan nang buo noong Nobyembre 15, 1935 sa pagpapasinaya sa Komonwelt ng Pilipinas. Kasama sa mga probisyon nito ang pagpapanatili rito bilang saligang batas ng Republika ng Pilipinas kahit naipagkaloob na ang kalayaan noong 4Hulyo 4, 1946.
Noong Pananakop na Amerikano, pinamahalaan ang Pilipinas ng mga batas ng Estados Unidos. Ipinasá ang mga Batas Organiko ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pangangasiwa ng Pamahalaan ng mga Isla ng Pilipinas. Nauna ang Batas Organiko ng Pilipinas noong 1902 na nagbukas ng Asembleang Filipino na binubuo ng mga mamamayang Filipino. Ikalawa ang Batas Pagsasarili ng Pilipinas noong 1916, na naglahok ng unang pangako ng kalayaan ng Pilipinas. Nagsilbing saligang batas ng Pilipinas ang mga batas na ito mulang 1902 hanggang 1935.Noong 1934, nagpasa ang Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Kalayaan ng Pilipinas, na nagtakda ng mga hanggahan para sa pagbubuo ng saligang batas ng Pilipinas. Nag-atas ang Batas sa Lehislaturang Filipino upang manawagan ng halalan ng mga kalahok sa Kumbensiyong Pansaligang Batas upang magbuo ng borador ng Saligang Batas para sa Pilipinas. Natapos ng 1934 Kumbensiyong Pansaligang Batas ang gawain nito noong Pebrero 8, 1935. Ipinása ang Saligang Batas sa Pangulo ng Estados Unidos para sa pagpapatibay nito noong Marso 25, 1935. Sang-ayon ito sa Batas Kalayaan ng Pilipinas ng 1934. Pinagtibay ng mga mamamayang Filipino ang 1935 Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisitong pambansa noong Mayo 14, 1935, at naisakatuparan nang buo noong Nobyembre 15, 1935 sa pagpapasinaya sa Komonwelt ng Pilipinas. Kasama sa mga probisyon nito ang pagpapanatili rito bilang saligang batas ng Republika ng Pilipinas kahit naipagkaloob na ang kalayaan noong 4Hulyo 4, 1946.Noong 1940, may binago sa 1935 Saligang Batas ang Asembleang Pambansa ng Pilipinas. Binago ang lehislatura mula sa asembleang unicameral patungong kongresong bicameral. Binago rin nito ang haba ng termino ng Pangulon ng Pilipinas mulang anim na taon na walang reeleksiyon patungong apat na taon nang may posibilidad na muling maihalal para sa ikalawang termino.
:>
Answer:
Batas ng Pilipinas ng 1902 o batas cooper
Ang Batas Cooper, o ang Batas ng Pilipinas 1902, ay ang unang batas na ipinasa ng Kongreso ng US sa kanilang rehime. Ito rin ay may kinalaman sa talata na naglalaman ng karapatang pantao ng mga Pilipino sa perspektibo ng mga Amerikano. Ito ay isa sa mga batas na nagsimulang magpakita ng pag-asa ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.
sana maktulong