Ano-anong positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang isinasaad ng babasahin?Maglista ng lima at ipaliwanag ang mga ito.
Share
Ano-anong positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang isinasaad ng babasahin?Maglista ng lima at ipaliwanag ang mga ito.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
PANANAW NG ISANG RESPONSABLENG BABAE
Ang aking mga halik ay di hamak na mas matimbang kaysa anumang party o sine.
Ang aking katawan ay templo ng Diyos at hindi isang laruan.
Ang unang “AYAW KO” ay mahirap ngunit ang mga susunod ay madali na.
Ang pagkabirhen ay isang kanaisnais na katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan ay malaking paglabag sa batas moral.
Ang aking pananamit, pagkilos, at pananalita ay maaaring magsilbing tukso sa aking kasintahan. Ako ay magiging mabini para sa aming proteksyon.
Malaki na ang nagawa ng aking mga magulang para sa akin, nais kong lagi nila akong ikapuri.
Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama balang araw. Kailangan siyang maging bayani sa mata ng kaniyang asawa at mga anak. Hindi ako gagawa ng anumang bagay sa aming pagtatagpo na hahadlang sa katuparang niyon.
Gusto kong maging isang ina at asawa. Ilalaan ko ang aking puri at damdamin para sa aking magiging asawa at anak.
PANANAW NG ISANG RESPONSABLENG LALAKI
Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang ng aking kasintahan at ng aking mga magulang. Hindi ko ito sisirain.
Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-asa kong igagalang ng ibang lalaki ang aking kapatid na babae.
Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang aking ina ay isang babae. Hindi ko hihilingin sa aking nobya na gumawa ng mga bagay na ikahihiya kong malaman ng aking ina.
Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama ang aking nobya. Isang pagkakamali ang umasa nang higit pa bilang kabayaran sa pagtatagpong ito.
Balang araw, magiging isang ina at asawa ang aking nobya. Dapat siyang magsilbing halimbawa sa kaniyang mga anak at maipagmalaki ng kaniyang asawa. Tutulungan ko siyang maging malinis ang puso at maging disente tulad ng gusto ko sa mapapangasawa ko.
Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter gayon din ng katawan. Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Gusto kong malaman ng aking kasintahan na ako ay tunay na lalaki.
Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng lugar, nakikita ang lahat, at alam ang lahat. Maaaring itago ako ng kadiliman ngunit hindi ako maitatago nito sa Diyos.
Explanation: