ano ans pa help need ko now
Share
ano ans pa help need ko now
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
sang ayon ako dahil mapapanagutan nila Ang Mali nila hindi ako sang ayon dahil maraming tauhan ng network Ang nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemyang ating nararanasan
Answer:
A. Sang-ayon ako sa desisyon ng ABS-CBN na tumigil muna sa pagbo-broadcast sa Channel 2 at DZMM 630 dahil iyon ang naging hatol ng NTC sa kanila kahit na ilang ahensya na ng gobyerno ang nagsabing wala na silang utang dito. Bagamat tigil-operasyon ang naging hatol sa kanila dahil sa pagkapaso ng kanilang prangkisa noong Mayo 4, 2020, sinunod naman nila ito at naghintay ng nararapat na pandinig sa Senado na ang resulta ay negatibo o maraming kongresista at senador ang di bumuto sa pagka-renew ng kanilang prangkisa. Nararapat lamang ang ginawa ng ABS-CBN na huminto at sumunod sa NTC sapagkat ito ang tamang hakbang upang maipakita sa ibang mga tao na kaya nilang sumunod sa batas at magbago, kahit na minsan na nila itong nilabag. Nagpapatunay lamang ito na ang ABS-CBN ay marunong sumunod sa kung anuman ang hatol laban sa kanila.
B. Hindi ako sang-ayon sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil ang mga ahensya na ng gobyerno ang nagsabing wala na silang utang dito at nasunod nila lahat ng proseso upang mabayaran ang mga ito. Ngunit nawalan na sila ng prangkisa kaya naman pinasara na sila ng NTC at dahil bawal na mag-operate ito. Samantala, nang diringgin na sa senado ang pagrerenew ng kanilang prangkisa, di na ito binigyan pa ng pagkakataong makapag broadcast muli at tuluyan nang ipinasara. Kagaya ng marami, di rin ako sang-ayon dito ngunit bilang isang mamamayan lamang ng ating bansa, wala na rin tayong magagawa upang matigil ang pagpapasara dito subalit pwede tayong sumuporta sa pagbangon muli ng ABS-CBN dahil sa subok na silang naghahatid ng impormasyon at tulong sa ating mga kababayan. Bagamat nakasara ang network nila, ngayon ay napapanood pa rin natin ang ibat ibang palabas at balita mula sa ABS-CBN na nagbibigay tulong sa mga tao at kababayan natin, di lamang dito sa bansa, kundi pati sa ibang bansa sa pamamagitan ng online flat form nito. Kung hindi lang sana nahahaluan ng politika ang bawat ahensya ng gobyerno, siguru ay walang problema sa pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN, at dahil dito mas marami pa ang matutulungan nila.
Explanation:
Pwede ka makapili sa dalawa kung anuman ang gusto mo, sang-ayon ka ba o hindi. Kung kailangan ang 2 sagot ay pwede mo na yang kopyahin o pwede mo pa dagdagan. Salamat. Sana makatulong.