ano ba talaga ang heograpiko ng timog asya
Home
/
ano ba talaga ang heograpiko ng timog asya
ano ba talaga ang heograpiko ng timog asya
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Question:
ano ba talaga ang heograpiko ng timog asya
My Answer:
"Ang Heograpiya ng Timog Asya"
1. ANG HEOGRAPIYA NG TIMOG ASYA * binubuo ng 7 bansa ang Timog Asya * pinakamalaki rito ang India na tinatawag na subcontinent * nangunguna ang India sa laki ng populasyon * ang Bhutan at Nepal ay bansang dinadaanan ng Kabundukan ng Himalaya * Bangladesh at Pakistan - mga bansang Islamic * Sri Lanka at Maldives - mga bansang insular * sa Timog Asya umusbong ang karamihan sa mga relihiyon hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig * ang Kabundukan ng Himalaya ay itinuturing na “Bubong ng Daigdig” dahil ito ang pinakamataas na hanay ng mga bundok * tinatawag din ang Himalaya na “Abode of Snow” dahil ito ay nababalutan ng niyebe o snow * ang Himalaya ay hango sa Sanskrit na “hima” na ibig sabihin ay niyebe o snow at alaya na ibig sabihin ay tirahan Mga Bansa sa Timog Asya.
1. INDIA - ang pangalang India ay hango sa Ilog Indus - pang-7 sa pinakamalaking bansa - pangalawa sa pinakamalaking populasyon sa daigdig - nasa India ang Himalaya na kinaroroonan ng Mt. Everest - pangunahing ilog ang Ilog Ganges at Indus - pang - 10 sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig - ang suliranin sa karibal na Pakistan ay nakasasagabal sa pag-unlad ng India.
2. PAKISTAN - dating probinsiya ng India - malapit ito sa mga kontrobersyal na mga bansa - narito sa Pakistan ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sunod sa Mt. Everest - ang K2 - sa Pakistan napatay si Osama Bin Laden - ang pinakawanted na tao sa buong mundo at pinaniniwalaang puno’t dulo ng mga kaguluhan sa buong mundo.
3. BANGLADESH - “Bansa ng Bengal “ ang ibig sabihin ng pangalang Bangladesh - dating tinatawag ng Silangang Pakistan ang Bangladesh - ikapito ang Bangladesh sa may pinakamalaking populasyon - itinuturing na bansang sumisikip dahil sa malaking populasyon gayong maliit lamang ang lupain - pinakanaapektuhan ng climate change.
4. BHUTAN - galing sa salitang Indiano na Bhotanta na ang ibig sabihin ay dulo ng Tibet - Ang Bhutan ay lupain ng mga Bhutia na tinatawag na Drukpas o mga taong dragon. - itinuturing ding “Switzerland of Asia” dahil sa hugis, sukat ng lupa at mga bulubundukin nito.
5. NEPAL - ang Nepal ay naliligiran ng bansang China, Bhutan, Bangladesh at China - dito isinilang si Siddhartha Gautama Buddha - ang nagtatag ng relihiyong Buddhismo ngunit malaking populasyon ng bansa ay Hindu - bahagi rin ng Nepal ang Mt. Everest na Sagarmatha s Nepalese. Dahil dito binansagan ang Nepal bilang isang kaharian sa tuktok ng daigdig.
6. SRI LANKA - dating Ceylon at binansagang The Pearl of the Indian Ocean - unang bansang Asyano na pinamunuan ng babae, si Reyna Anula - narito ang makasaysayang Adam’s Peak na pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang bakas ng paa dito ay kay Adan, sa mga Hindu ito ay kay Shiva, sa mga Buddhista ito ay kay Buddha.
7. MALDIVES - pinakamaliit na bansa sa Asya sa sukat at populasyon - pinakamababa at pinakawatak-watak na bansa sa buong daigdig dahil ito ay binubuo ng coral islands.
Hope it helps!
#Carry On Learning