Ano PO Ang ibig sabihin Ng kalusugan?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
ito ay tumutukoy sa kalagayan ng ating katawan,positibo man o negatibo
Verified answer
Answer:
Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga enerhiya at materya (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang kalusugan bilang "isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan."
Ang kalusugang pangkapaligiran, nutrisyon, pag-iwas sa sakit, at kalusugan ng publiko ang pinakamatibay na aspeto ng pagiging magaling na matibay na naangkop sa larangan ng medisina. Maaaring siyasatin at tulungan ng mga aspetong ito ang pagsukat sa pagiging masaya at magaling.
Importanteng pangungusap lang ang kunin para di mahaba
#CARRYONLEARNING