ano sa iyong pagkakaunawa ang salitang demand
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
para sakin iksibihin ng demand ii-demanda ang isang tao o
ii-demanda ka sa trabaho
Explanation:
Para sakin ha
Pag-unawa sa konsepto ng DEMAND
Sa araling ito, inaasahang mailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.
DEMAND
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.
KAGUSTUHAN+ KAKAYAHAN = DEMAND
Demand Function
Demand Function
Ang Demand Function ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variables: ang Qd (Quantity demanded) na Dependent Variable at P (Presyo) bilang Independent Variable. Sa pamamagitan ng Mathematical Equation ay makikita ang presyo at demand.
Ang Qd ay nagbabago, maaaring tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng P.
Kung mataas ang presyo ng bilihin, onti lang ang bibili. Pag mababa ang presyo ng bilihin mas marami ang bibili.
Demand Schedule
Demand Schedule
Ito ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.
CETERIS PARIBUS ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay "All other things remain constant" o "Walang ibang salik na nagbabago." Presyo lamang ang nakakaapekto sa Qd.
Demand Curve
Demand Curve
Ang Demand Curve ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng bibilhing produkto.
Ang graph ay binubuo ng dalawang axes, ang horizontal at vertical axes. Ang Presyo ay sa y-axis at ang Quantity demanded ay x-axis.
DEMAND CURVE NG GUYABANO
Ano ang Market Demand?
Mga Paraan Upang Maipakita ang Ugnayan ng Demand at Presyo
Mga Kahulugan
Market Demand
Kapag ang indibidwal na demand ng mga mamimili ay pinagsama-sama ay makukuha ang Market Demand
Batas ng Demand
Nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kumokaunti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit, kapag ang presyo ay bumababa, dumarami ang produktong bibilhin ng mamimili habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Ano ang Demand?
Okasyon
Panlasa/Kagustuhan
Populasyon
Kita
Presyo ng Magkaugnay na Produkto
Ekspektasyon
Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
1.
Panlasa/Kagustuhan
Ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga imported na produkto ang isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang demand sa mga ito. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na nagreresulta sa pagtaas o pagbaba ng demans sa iba't ibang produkto.
2.
Kita
Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita. Normal Goods ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita ng tao. Inferior Goods naman ang tawag sa mga produkto na hindi tumataas ang demand.
3.
4.
Populasyon
Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga mamimili na siyang nagtatakda ng demand.
Mga Salik na Nakaaapekto sa DEMAND
Presyo ng Magkaugnay na Produkto
Mayroong tinatawag na Substitute Goods at Complementary Goods. Ang Substitute Goods ay mga produkto na pamalit sa ginagamit produkto. Ang Complementary goods naman ay mga produkto na kinukonsumo nang sabay. Mababawasan ang kapakinabangan ng isang produkto kung gagamitin nang mag-isa.
5.
Okasyon
Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga Pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibang okasyon na dumarating. Pinahahalagahan natin ang mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya sa bawat selebrasyon ay tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang.
6.
Ekspektasyon
Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang nangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig at sa ating bansa. Sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde, ang mga mamimili ay nag-iisip na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaaring maganap. Dahil sa ganitong sitwasyon ang mga mamimili ay nagpa-panic buying, lalo na ang mga tao na may sapat at labis na salapi.
Ang Presyo at iba pang salik ay nakaapekto sa demand na maaaring maging dahilan ng pagtaas at pagbaba nito. Ang mamimili ay siyang nagtatakda ng demand sa pamilihan ayon sa kanyang kagustuhan at kakayahan.
BUOD