anong batas ang pinatubad nung 2012
Share
anong batas ang pinatubad nung 2012
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
ISANG BATAS NA NAGPAPABUTI SA SISTEMA NG BATAYANG EDUKASYON SA PILIPINAS SA PAGPAPALAKAS NG KURIKULUM NITO AT PAGDADAGDAG NG BILANG NG MGA TAON PARA SA BATAYANG EDUKASYON, PAGLALAAN NG PONDO PARA RITO AT PARA SA IBA PANG LAYUNIN
Ginagawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitípon sa Kongreso:
SEKSIYON 1. Maikling Pamagat. – Ang Batas na ito ang ay kikilalanin bilang “Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013.”
SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. – Ang Estado ay magtatatag, magpapanatili, at magtataguyod ng isang ganap, sapat, at nakapaloob na sistema ng edukasyong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, ng bansa, at ng malawakang lipunan.
Gayundin, ipinapahayag dito ang polisiya ng Estado na ang bawat nagtapos sa batayang edukasyon ay magiging indibidwal na may-kapangyarihan na natuto, sa pamamagitan ng isang programa na nakaugat sa maiinam na prinsipyong pampagkatuto at nakatuon sa kahusayan, ng mga batayan ng pagkatuto sa buong buhay, ng kakayahan na maghanapbuhay at maging produktibo, ng kakayahang makipamuhay sa isang mabungang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na lokal at pandaigdig, ng kakayahan na makilahok sa isang nakapagsasarili, malikhain, at mapanuring pag-iisip, at ng kakayahan at pagkukusang baguhin ang iba at ang sarili.
Para sa layuning ito, lilikha ang Estado ng isang gumaganang sistema ng batayang edukasyon na huhubog ng mga mamamayang produktibo at responsable at may taglay na mga kasanayang esensiyal, mga kakayahan at halagahang para sa pagkatutong panghabambuhay at empleo. Upang makamit ito, kinakailangan itong gawin ng Estado:
Answer:
[BATAS REPUBLIKA BLG. 10353]
ISANG BATAS NA NAGBIBIGAY-KAHULUGAN AT NAGPAPARUSA SA PINUWERSA AT DI-KUSÀNG PAGKAWALA
Ginagawang batas ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitípon sa Kongreso.