anong kabutihan ang naidudulot ng earth hour
Share
anong kabutihan ang naidudulot ng earth hour
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
na aaware sila condition and nakaka save then tayo ng electricity
Explanation:
sna makatulong
Bilang suporta sa Earth Hour 2018,hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) at publiko na kumilos na ngayon laban sa climate change sa pamamagitan ng pakikiisa sa buong mundo na patayin ang mga ilaw ng isang oras sa Marso 24,2018.
Sinabi ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Ano na bilang mga pinuno ng komunidad, kailangang pakilusin ng mga gobernador, mayor at kapitan ng barangay ang kanilang mga nasasakupan na ipakita ang pagmamalasakit sa Inang Kalikasan sa simpleng pagpatay ng ilaw sa Marso 24 mula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.
“Sa Marso 24, ipakita natin ang ating pakikiisa sa global campaign laban sa climate change sa pamamagitan ng paglahok sa Earth Hour. Ang simpleng pagkilos na ito kung gagawin ng sama-sama ay makakabawas ng malaki sa carbon emission at makakapigil din sa epekto ng climate change,”saad ni Ano.
Sa bagong labas na Memorandum Circular Bilang 2018-22, nanawagan si Ano sa lahat ng local chief executives na i-off ang kanilang mga ilaw sa Earth Hour, kabilang ang ilaw sa kalsada, signages at mga monumento sa pampublikong lugar ayon sa itinakdang global-lights out event.
“Hinihimok din natin ang pribadong sektor na patayin ang kanilang mga ilaw at signages sa kanilang pasilidad sa Earth Hour na hindi naman masyadong makakaapekto sa kanilang negosyo,”aniya.