please help me i need the answer right now please help me. I'll mark the brainliest who help me/answer this
help me please i need the answer asap please.
brainliest ko agad kung sinong may matinong sagot
(kung puwede lang po yung sagot niyo may explanation puwede ding pong hindi)
Share
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Naruto ang ilang sa mga katangian na dapat meron tayo upang maging pamantayan natin sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Una maging mapanuri. Sinusuri ang produktong bibilhin, tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, ar inihahambing ang mga produkto sa isa't isa upang makita nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad. Ikalawa, may alternatibo o pamalit. May mga panahon walang sapat na pera ang mamimili. Maaari ding nagbago ang kalidad ng produkto dati nang binibili. Ang matalinong pamimili marunong kang humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili. Ikatlo, hindi nagpapadaya. May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. Ikaapat, ay pagiging makatwiran. Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang. Ikalima ay dapat sumusunod sa badyet. Tinitimbang niya ang mga bagay- bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. Ika-anim, hindi nagpapanic-buying. Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic- buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. Ikapito, hindi nagpapadala sa anunsiyo. Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagbabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan. Panghuli, hindi nagpapadala sa anunsiyo. Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagbabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan.
Answer:
Ang mga pamantayan sa pagbili ng produkto at serbisyo ng isang mamimili ay dapat na isaalang-alang. Kailangang suriin nating mabuti ang isang produkto bago ito bilhin. Hindi porket mura ito ay hindi ka na malulugi, kailangang tignan ang dekalidad nito para masiguradong ligtas at maayos itong gamitin. Ilan lang ito sa mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagbili ng produkto at serbisyo. Maraming produkto ang peke at nakakasama sa ating kalusugan at kaligtasan kaya maging maingat tayo sa pagpili ng bibilhing produkto o serbisyo.
Explanation:
sana po nakatulong